Herlene Budol nasilipan habang nagla-live sa IG: Nakita ba, guys?

Herlene Budol nasilipan habang nagla-live sa IG: Nakita ba, guys?!

Ervin Santiago |April 08,2024
facebook
share this

Herlene Budol nasilipan habang nagla-live sa IG: Nakita ba, guys?!

Ervin Santiago - April 08, 2024 - 04:20 PM

Herlene Budol nasilipan habang nagla-live sa IG: Nakita ba, guys?!

Herlene Budol

VIRAL ngayon ang video ng Kapuso actress na si Herlene Budol kung saan sinasabing nag-hello ang kanyang private part.

Kuha ang naturang video nang mag-Instagram Live ang dalaga ngayong Lunes ng madaling-araw, April 8.

Makikita sa naturang video si Herlene habang kumakain na biglang tumayo para sana magpunta sa CR. Kasunod nito ay maririnig sa background ang tawanan ng kanyang mga kasama.

Tila may nasilip nga sa harapan ng Kapuso beauty queen na nakasuot ng high cut black panty nang tumayo siya mula sa kinauupuan.

Agad na bumalik si Herlene sa upuan at kitang-kita nga ang pag-aalala sa mukha niya kung may nakita ba sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Baka Bet Mo: Herlene naloka sa pagbeso ni Beauty: Akala ko mababahuan siya sa hininga ko

“Tingnan mo nga, nakita ba?” ang tanong ng aktres sa mga kasamahan sabay tingin sa bahagi ng kanyang private part.

“Nakita ba, guys?” tanong uli niya sa mga netizens na nakatutok sa IG page niya. Dahil dito, nagdesisyon si Herlene na tapusin na ang pagla-live.

May ilang IG users ang nakapag-screenshot ng mga naging eksena ni Herlene kaya mabilis itong kumalat sa social media.

Reaksyon ng ilan niyang supporters, buti na lang daw at may suot na manipis na underwear si Herlene, kaya hindi nakita nang bonggang-bongga ang kanyang “flower”.

May mga nabasa naman kaming comments na nagsabing baka raw sinadya ni Herlene na masilipan para makapag-ingay at mapag-usapan na naman.

Isang netizen din ang nagkomento na baka raw sinusunod lang ng aktres ang panawagan ni Iloilo Rep. Janet Guarin sa mga kababaihan na huwag nang mag-panty kapag nasa bahay lang para makaiwas sa sakit at impeksyon dala ng matinding init ng panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinukso rin siya ng ilang IG users at tinawag na “Hello Kiffy” na may konek sa naging isyu nila noon ng Kapuso actor na si Rob Gomez tungkol sa “kain kiffy.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending