Kokoy sa pagkatsugi ng Tahanang Pinakamasaya: Masakit!

Kokoy sa pagkatsugi ng Tahanang Pinakamasaya: Mahirap at masakit!

Ervin Santiago - April 07, 2024 - 09:00 AM

Kokoy sa pagkatsugi ng Tahanang Pinakamasaya: Mahirap at masakit!

Kokoy de Santos, Paolo Contis, EA Guzman, Analyn Baro at Buboy Villar

KAHIT natsugi na ang dating noontime show ng GMA 7 na “Tahanang Pinakamasaya” nina Paolo Contis at Isko Moreno ay tuluy-tuloy pa rin ang komunikasyon ng mga host nito.

Parang pamilya na kasi ang turingan ng mga buong tropa ng naturang programa na nagsimula nga sa “Eat Bulaga” hanggang sa palitan ito ng “Tahanang Pinakamasaya.”

Nakachikahan namin ang isa sa mga host ng “TP” na si Kokoy de Santos at siya nga ang nagpatunay na naging super close silang lahat sa show.

Baka Bet Mo: Rendon nachakahan sa Tahanang Pinakamasaya: Lalo kayong pagtatawanan ni Joey

“Sa lahat na mga nangyari, sobrang thankful naman ako na yung pamilyang nabuo.

“Kasi sa pag-alala ko, halos lahat naman du’n, nakatrabaho ko siyempre sa Bubble Gang. Yung kambal (Mavy at Cassy Legaspi), nakakasama ko rin sa Siyete.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero nu’ng nangyari kasi yung ganu’ng klaseng bond, naging isang pamilya na parang alam mo yun. Hanggang ngayon, tuluy-tuloy pa rin.

“Actually, nag-birthday si Kuya Pao (Paolo Contis) nu’ng nakaraan, nagkita-kita kami,” kuwento ni Kokoy sa BANDERA at ilan pang piling miyembro ng showbiz press sa special screening at mediacon ng pelikula niyang “Your Mother’s Son”.

Baka Bet Mo: Kokoy de Santos shookt nang mapasama sa ‘Running Man PH’; Angel Guardian gusto nang mag-quit sa showbiz, pero…

Kahapon, April 6, ay nagsimula nang mapanood sa GMA 7 ang Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” na siyang ipinalit sa timeslot ng “Tahanang Pinakamasaya.”

Natanong si Kokoy kung payag ba siyang mag-guest sa “It’s Showtime”, “Kung magpo-promote siguro, bakit hindi? Oo naman.”

Diretsahang sundot na tanong sa Kapuso actor at host, ano ang na-feel  niya nang matanggap sa ere ang “Tahanang Pinakamasaya”?

Tugon ni Kokoy, “Mahirap. Actually masakit. Kasi ano yun, kumbaga naging routine na yun, e, nakasanayan na.

“Pero sa ngayon, ang masasabi ko lang, life goes on. Ganu’n lang talaga. May mga bagay na nag-e-end, pero may pintong magbubukas uli, for sure,” aniya pa.

Ano’ng take niya sa iba’t ibang reaksyon ng mga manonood na ang “It’s Showtime” ang ipinalit sa “Tahanang Pinakamasaya” at hindi isang bago at original na programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa akin, ang nasa isip ko, history siya, yun. Na parang never na may makaisip na ang Showtime ay papalit sa GMA.

“Pero siyempre, happy ako para sa mga ano rin, na mas maraming makakapanood ng Showtime ngayon. Kasi sa GMA na siya ngayon,” sagot ni Kokoy na napapanood pa rin sa longest- running gag show na “Bubble Gang”.

Next na question sa kanya, bakit happy pa siya, e, nawalan na nga sila ng noontime show. Esplika ni Kokoy, “Hindi. I mean, para sa Showtime. Para sa Showtime na mas marami yung makakapanood sa kanila.

“Pero yung sa amin, siyempre masakit. Malungkot siyempre. Pero ganu’n talaga ang buhay,” paliwanag ng binata.

Samantala, magsisimula na ang “EnlighTEN: The IdeaFirst Film Festival” sa April 12, sa Gateway Cineplex 18, Cubao, Quezon City.

Ito ang bonggang project nina Perci Intalan at Jun Lana para sa 10th anniversary ng kanilang IdeaFirst Company kung saan isa nga sa mga featured film ang “Your Mother’s Son” na idinirek din ni Jun Lana na siyang magsisilbing opening film.

Bukod kay Kokoy, bida rin dito sina Sue Prado, Elora Espano at Miggy Jimenez.

Ayon kay Kokoy, na isa nang Sparkle artist ngayon, super thankful siya sa GMA dahil tuluy-tuloy lang ang pagtatrabaho niya sa network.

“Yun ang nagustuhan ko sa trabaho ko, sa ginagawa ko. Nagagawa ko yung lahat ng bagay na gusto ko. Nagagawa kong mag-comedy, nagagawa kong gumawa ng ganitong klaseng pelikula.

“At kung ano man yung next sa akin para sa GMA, sa ngayon, Running Man Philippines Season 2. Ayun, kababalik lang namin galing Korea. Pero sa ngayon, wala pa akong ginagawa. So, sana makagawa uli ako,” aniya.

Wish din niyang magtuluy-tuloy ang tambalan nila ni Angel Guardian na kasama niya sa 2 season ng “Running Man PH”, “Kung ako lang ang masusunod, kami na lang ni Angel, gagawa kami, ako na ang magpo-produce, e. Ha-hahahaha!

“Si Angel kasi, busy rin siya sa Sang’gre, e. Pagkakaalam ko, yun ang ginagawa ngayon ni Angel. Ako naman, Bubble Gang. Puro Bubble Gang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May nababanggit yung handler ko, ayaw lang niya sigurong unahan yung manager ko kung ano yun. Pero sana, hopefully magkaroon ng drama or kung ano mang klaseng project,” sabi pa ni Kokoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending