Taylor Swift isa nang ‘bilyonaryo,’ ayon sa Forbes magazine
MAPAPA-SANA ALL ka nalang talaga sa latest update tungkol sa sikat na international pop star na si Taylor Swift.
Kinumpirma kasi ng Forbes magazine na isa nang bilyonaryo si Taylor!
Yes, yes, yes, mga ka-BANDERA, opisyal nang naging miyembro ang singer sa tinatawag na “three-comma-club.”
Ang malupit pa riyan, si Taylor ang kauna-unahang artist na nakamit ang billionaire status na batay lamang sa kanyang musika.
Baka Bet Mo: Kathryn pinatamaan si Daniel sa kanta ni Taylor Swift tungkol sa balikan?
Ang estimated na yaman ng pop superstar ay nasa $1.1 billion o halos P57 billion, ayon sa report ng American financial news outlet.
Bukod sa mga isinulat na kanta, isa rin sa nagpayaman sa kanya ay ang “Eras Tour” na kasalukuyan pang ginaganap sa iba’t-ibang bansa.
Si Taylor ay marami ring real estate properties, kabilang na riyan ang mga bahay niya sa New York, Beverly Hills at Nashville, pati na rin ang coastal mansion niya sa Rhode Island.
Sa mga nakalipas na taon, maraming binasag na kasaysayan ang singer –nakuha niya ang ikaapat na Grammy para sa “Best Album.”
Baka Bet Mo: Manny Villar nangunguna sa ‘Richest Filipinos’ ng Forbes magazine
Siya rin ang itinanghal na “Person of the Year” ng Time Magazine noong nakaraang taon na inilarawan pa siyang, “rare person who is both the writer and hero of her own story.”
Sa darating na April 19, kaabang-abang ang ika-11th album na ilalabas ng sikat na singer na pinamagatang “The Tortured Poets Department.”
Ang kanyang Eras Tour naman ay nakatakdang matapos sa Disyembre na tinatayang lalampasan ni Taylor ang $2-billion threshold o P113.3 billion.
Ilan pa sa mga music artist na kilalang bilyonaryo ay sina Rihanna at Jay-Z, ngunit ang yaman na kanilang tinatamasa ay dahil din sa ilang pagmamay-aring mga negosyo at investments, bukod pa sa musika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.