Kilalang female star tumitira raw ng droga pampagising sa taping

Kilalang female star tumitira raw ng droga para pampagising sa taping

Reggee Bonoan |April 03,2024
facebook
share this

Kilalang female star tumitira raw ng droga para pampagising sa taping

Reggee Bonoan - April 03, 2024 - 07:34 PM

Kilalang female star tumitira raw ng droga para pampagising sa taping

NAG-AALALA ang road manager ng kilalang female star na may teleserye ngayon dahil ang lakas daw nitong gumamit ng drugs.

Ito raw kasi ang pampagising ng bida sa ating blind item dahil umaabot ng umaga ang kanyang taping.

Ayon sa nakausap namin, kuwento raw sa kanya ng RM (road manager) ng aktres ay naaapektuhan na minsan ang trabaho nito dahil may araw na darating sila sa set ng hindi pa handa o hindi pa nabasa ang script.

“Tulog pa ang diwa, hindi nagsasalita at gustong matulog muna. Kapag na-pack up daw sila ng 8 a.m. ay hindi pa kaagad nakakatulog si ____ (aktres) at kung anu-ano pa raw ang ginagawa nito sa kuwarto niya.

“Kapag nakatulog na ng bandang hapon hirap nang gisingin para sa next taping kinabukasan kaya panay ang adjust ng production sa oras niya.

Baka Bet Mo: Female star binabayaran ng milyones ni male celeb para magkunwaring dyowa

“Minsan hindi kinaya kaya na pack-up ang taping kaya lukang-luka ang prod kasi imbes na makatipid sila, e, lumalaki pa ang gastos,” kuwento ng taong katsika ang road manager ng aktres.

Tinanong namin kung ano ang dahilan ar bakit gumagamit ang aktres bukod sa pampagising niya ang drugs.

“Dami kasing iniisip, so para makalimutan niya magko-coke siya saka tumatalas memorya niya kapag nagbabasa ng script.

“Mga personal na problema, hindi naman niya makuwento sa iba kasi alam mo na hindi niya alam kung sino ang kakampi niya,” tsika ng aming kausap.

Isa pang napansin ngayon ng lahat sa aktres, “Nangangayayat siya, bagsak ang katawan, sayang naman ang ganda pa naman. Idinadaaan sa make-up ‘yung mata niya na nakaluwa na, para tuloy may goiter.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending