Female star binabayaran ni male celeb para magkunwaring dyowa

Female star binabayaran ng milyones ni male celeb para magkunwaring dyowa

Reggee Bonoan |February 11,2024
facebook
share this

Female star binabayaran ng milyones ni male celeb para magkunwaring dyowa

Reggee Bonoan - February 11, 2024 - 02:08 PM

Female star binabayaran ng milyones ni male celeb para magkunwaring dyowa

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino sila?

KINUMPIRMA ng aming source na “friendship” lang ang namamagitan sa dalawang sikat na personalidad  na pinakikinabangan ngayon ang isa’t isa.

Ang sikat na male personality ay may magandang reputasyon sa industriya kaya’t kinausap niya ang female personality na kunwari ay may relasyon sila kapalit ng monthly allowance.

Bukod pa rito ang budget pang-shopping, medical check-up, multiple travels with friends and family, bahay at sasakyan.

Baka Bet Mo: Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in

Nagulat lang kami na puwede palang upahan ang female personality na para sa kanya ay trabaho lang. Wala ba sa plano niyang mag-settle down?

Si male personality ay kailangang pagtakpan ang kanyang sexual orientation bagamat marami na rin namang nakakaalam kung sino talaga siya lalo na sa mundong ginagalawan niya.

Open naman si male personality kapag may gustong manligaw sa “for rent” niyang girlfriend.

Yun nga lang, once na maghiwalay na sila ng girl, aiyempre putol na rin ang lahat ng allowance, libreng tirahan at sasakyang mamahalin.

* * *

May concert ang Americal singer na si Ryan Gallagher na may titulong “The Voice of Ryan” sa Pebrero 17 sa Music Museum.

Matunog ang pangalan ni Ryan kahit hindi siya nagwagi sa “The Voice USA” season 19. Ang kanyang classical voice ang kanyang naging daan para makilala siya.

Ang “The Prayer” nina Andrea Bocelli at Celine Dion ang audition test ni Ryan kaya pinili siya ni Kelly Clarkson na isa sa mga hurado ng nasabing reality show.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake may bago na nga bang natagpuang pag-ibig?

Ang ilan sa kakantahin niya sa concert ay, “Martin Nievera songs, Filipina Soprano na si Lara Maigue, at ang Asia’s Acoustic Icon.”

Sabi ni Ryan, “February is here, and I am overcome with excitement, or are those nerves! Just the fact that I get to share the stage with Martin, Ice, and Lara is a privilege and something I will remember forever. The amount of talent is incredible!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Ivan Lee Espinosa ang musical director ng concert ni Ryan habang si Liza Diño naman ang producer (Fire and Ice Live) at si Ice Seguerra ang magsisilbing creative director.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending