Loisa sa friendship nila ni Kathryn: Totoo yung connection

Loisa sa friendship nila ni Kathryn: Yung totoong connection mapi-feel mo

Ervin Santiago |January 21,2024
facebook
share this

Loisa sa friendship nila ni Kathryn: Yung totoong connection mapi-feel mo

Ervin Santiago - January 21, 2024 - 08:47 AM

Loisa sa friendship nila ni Kathryn: Yung totoong connection mapi-feel mo

Kathryn Bernardo at Loisa Andalio

WALONG taon na rin palang magkaibigan ang mga Kapamilya stars na sina Loisa Andalio at Kathryn Bernardo.

Nag-share si Loisa ng ilang detalye tungkol sa friendship nila ni Kathryn sa guesting niya sa Kapamilya morning talkshow na “Magandang Buhay.”

Ayon sa dalaga, isa si Kath sa maituturing niyang tunay na kaibigan sa showbiz na kahit hindi sila palaging nagkikita nang personal ay napanatili pa rin nila ang kanilang espesyal na samahan.

Ani Loisa, super thankful siya na naging friend niya ang ex-boyfriend ni Daniel Padilla. Feel na feel daw niya ang kabaitan ni Kath, “Yung totoong connection, mararamdaman mo.”

Baka Bet Mo: Rabiya sa relasyon nila ngayon ni Jeric: Magkaibigan kami, hindi naman kasi masama ‘yung nangyari sa amin…

Super thankful din daw siya na umabot na ng walong taon na silang magkaibigan, “Kasi kami ni Kathryn nagkakasama lang kami kapag may event ang ABS-CBN, kapag may after-party.

“‘Yung friendship kasi namin kahit hindi magka-text everyday pero kapag nagkasama kayo ‘yung true connection sa pagitan n’yo talagang mararamdaman mo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RB A. CHANCO (@rbchanco)


“Low-key lang kayong dalawa, basta masaya lang kayo, nandoon ‘yung totoong bonding niyo. Genuine lang lahat ng usapan niyo kapag magkakasama,” sabi pa ni Loisa.

Baka Bet Mo: Maxene na-shock; may nadiskubreng koneksyon sa amang si Francis at asawang si Rob

Sa katunayan, hindi pa raw sila magdyowa ni Ronnie Alonte nang mag-start ang friendship nila ni Kathryn.

Nag-explain din siya kung bakit wala silang masyadong litrato ni Kathryn sa social media, “Kasi hindi rin ako ma-picture-picture masyado.”

Paglalarawan pa niya kay Kathryn bilang kaibigan, isa itong good example sa mga kababaihan, “Nakaka-inspire si Kathryn kasama rin kasi inspirational talaga siya sa babae.”

“Feeling ko kaya gustung-gusto ako ni Kathryn kasi nga clown niya ako, aliw na aliw din siya talaga sa akin kaya feeling ko magugustuhan ka rin niya,” chika pa ni Loisa na ang tinutukoy ay ang isa sa mga host ng “Magandang Buhay” na si Melai Cantiveros.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-joke kasi si Melai na baka pwede rin siyang maging friend ni Kath.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending