Melai kay Lord nang magkabukol sa dede: ‘Bakit mo ako pinabayaan?’
BINALIKAN ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros ang naranasang “health scare” kung saan kinuwestiyon niya ang Diyos sa kanyang mga pinagdaanan.
Nangyari ito nang magpatotoo ang komedyana sa naramdamang unconditional love ng Panginoong Maykapal nitong nagdaang Holy Week.
Nag-share si Melai ng kanyang testimonya para sa “Seven Last Words” o Siete Palabras na ginanap sa Minor Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel nitong nagdaang Biyernes Santo.
Baka Bet Mo: Hashtag Nikko: Sino bang nagkakalat na pinabayaan kami ni Arjo, ha? Sino ha?!
“Isa sa mga na-experience ko kaya ko nasambit itong ‘Diyos ko, Diyos ko bakit mo ako pinabayaan?’
View this post on Instagram
“May tumubo na bukol sa dede ko. Hindi siya kulani, sa bone part siya. Walang nakakaalam kahit ang anak ko, asawa ko o parents ko dahil ayaw ko silang malungkot, mai-stress.
“Kasi ako ang breadwinner sa aming family. Kung ako ay nai-stress, ayaw kong ma-stress din sila.
“Sinarili ko na lang at wala akong ibang pinagsabihan kung hindi Siya lang. Kapag nagdarasal ako nababanggit ko ‘Bakit mo ako pinabayaan Diyos ko?'” ang bahagi ng litanya ng TV host.
Pagpapatuloy niya, “At dahil malalim na ang meaning nito sa akin humihingi agad ako ng tawad kung bakit ko nasabi ko ‘yon.
“Hanggang sa kalaunan patuloy pa rin akong nagdarasal, humingi ako ng tawad sa Diyos. Hindi ito alam ng family ko, hanggang sa paulit-ulit kong tinanong ‘Diyos ko, bakit ako may bukol?’ Hanggang sa ang tanong ko ay naging motivation ko na alamin bakit nga?” pahayag pa niya.
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim
Kasunod nito, nagdesisyon ang celebrity mom na magpa-checkup ngunit na-shock daw siya nang hindi na niya makapa ang mga bukol sa kanyang dibdib.
“Kakadasal ko ‘Diyos ko bakit mo ako pinabayaan?’ Na-gets ko ang meaning kasi pinabayaan Niya ako magdasal para mapalapit pa sa Kanya at mas maging confident ako sa faith ko sa Kanya.
View this post on Instagram
“Kaya nakuha ko ang sagot sa dasal ko. Maniwala kayo sa hindi, hindi ko na ipinagdasal na mawala ang bukol ko. Ang ipinagdasal ko na lang ay bigyan ako ng peace of mind.
“After two months, in Jesus’ name, salamat talaga sa Panginoon, Siya talaga ang dahilan ng lahat ng ito — nawala ang bukol.
“Hindi pa ako umabot sa pag-checkup. Grabe talaga. Gumising na lang ako na pagkapa ko nawala ang bukol. God moves in mysterious ways. Nagtagumpay ako roon na Siya lang ang pinagsabihan ko,” ang pagbabahagi ni Melai.
Dugtong pa niya, “Hindi ako nag-self pity. Natutunan ko roon na naging strong ang faith ko sa Kanya. Siya lang sapat na. Natutunan ko talaga na walang ibang resulta ang paghihintay kung hindi kabutihan.
“Natutunan kong ialay ang buhay ko sa kanya wholeheartedly na walang pag-aalala. Natutunan ko ang maging God-pleaser kaysa sa people-pleaser.
“Kasi minsan kahit hindi ko na kaya mapagbigyan ko lang ang tao sa paligid ko, kahit napapahamak na ang health ko. Ang dami kong natutunan sa pagsubok na ‘yon,” aniya pa.
Paalala pa ng asawa ng komedyanteng si Jason Francisco, “Minsan sa buhay natin puno man tayo ng katanungan sa Panginoon, bakit niya tayo pinabayaan. Don’t be discouraged.
“Kasi du’n pa lang sa thought na sa Kanya ka nagtatanong, you are in the right track of your life. At least Siya ang kinakausap mo, si God pa rin ang nilalapitan mo.
“Keep on talking to God, keep on praying to God and keep on asking God. Dahil Siya lang talaga ang may alam. Magalit ka it’s okay, maiyak ka it’s okay as long as Siya pa rin ang kakausapin mo in times of happy and trouble.
“Dahil someday its going to make sense at malalaman mo ang reason kung bakit nasa ganoon ka na sitwasyon na buhay mo. That’s very true na sinasabi nila. Kasi ang buhay natin ay naka-choreographed na ‘yan.
“Nasa iyo lang kung iibahin mo ang stepping dahil maiiba ka talaga ng landas. Pero kung ibabalik mo ang stepping pabalik sa Kanya hindi pa huli lagi ang lahat,” lahad pa niya.
“And these Seven Last Words ni Jesus bago Siya mamatay ay magiging sandata natin para mapagtagumpayan ang laban sa buhay.
“Marami tayong matututunan sa Seven Last Words na ito at sana ay magamit niyo ito sa mga susunod na hamon ng buhay,” ang mensahe pa ni Melai.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.