Hashtag Nikko: Sino bang nagkakalat na pinabayaan kami ni Arjo, ha? Sino ha?! | Bandera

Hashtag Nikko: Sino bang nagkakalat na pinabayaan kami ni Arjo, ha? Sino ha?!

Reggee Bonoan |August 22,2021
facebook
share this

Hashtag Nikko: Sino bang nagkakalat na pinabayaan kami ni Arjo, ha? Sino ha?!

Reggee Bonoan - August 22, 2021 - 03:33 PM

Arjo Atayde at Nikko Natividad

HINDI nagpatalo ang actor-dancer na si Hashtag Nikko Natividad sa mga bashers dahil kahit binabatikos ay patuloy pa rin niyang ipinagtatanggol si Arjo Atayde. 

Ilang netizens ang pinatulan ni Nikko dahil sa mga maling pagkakaintindi ng mga ito sa mga kaganapan habang nagsu-shooting sila sa Baguio City kung saan 10 nga sa mga taong involved sa production ay tinamaan ng COVID-19.

Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Nikko na kasalukuyan siyang nasa hotel ngayon. Ibinidyo pa niya ang kanyang kuwarto.

“Mga mader, fader naman oh!  Sino ba ‘yung nagkakalat at pinabayaan daw kami ni Arjo ha? Sino ha?

“May pinabayaan bang ganyan (sabay pakita ng kuwarto), tignan mo naman! Pakape-kape lang ako rito (sabay inom), kita n’yo nga, nakakapag-online pa nga ako oh (sabay pakita ng laptop).

“Paano n’yo sasabihing pinabayaan ha? Kung pinabayaan kami sa lagay na ‘yan, ano pa kaya ‘yung pinabayaan?

“Kasi kayo ha…ayaw ko na lang magsalita kasi bawal ma-stress nakaka-pangit ‘yan, e, no?

“Kung makapaggawa kayo ng istorya akala n’yo kasama namin kayo?  E, sa totoo lang may terrace pa ako oh? (Sabay higa sa kama). Sige nga iharap n’yo nga sa amin ‘yung nagsasabing pinabayaan kami, ‘yung nagko-comment na ‘yan (sabay tapik sa camera ng cellphone).

“Minsan nga nagagalit pa ako kay Arjo at sa pamilya niya busog ka na, pinagmemeryenda ka pa!  Ayaw ko ng ganu’n!  Nahihirapan ako, eh.  Sa lahat hindi lang sa amin (mga artista), even sa staff, sa mga talent pinagme-meryenda inaalagaan, aming mga gamot gusto nyo ipakita ko ang vitamins?

“Kulang na lang bigyan ako ng iPhone 12 ni tita Ibyang, eh. Kaya kayo huwag kayong gumawa ng istorya masama ‘yan!” pabirong kuwento ng aktor pero may diin.

Umabot sa 145,000 views ang video na ito ni Hashtag Nikko at halos lahat ng komento ay nagsabing naka-work nila ang nanay ni Arjo na si Sylvia Sanchez at pinatunayang mabait at maalagang tao.

Well, marami ang makapagpapatunay kung paano nga mag-alaga si Ibyang ng katrabaho at mga kaibigan at lahat ng anak niya ay nakuha ang ugaling ito kaya sa sinabing iniwan ni Arjo ang mga kasama niya sa Baguio, maling-mali.

Tulad nga ng sinabi ng aktor na si Manuel Chua na kasama rin sa shooting sa Baguio, kahit masama na ang pakiramdam ni Arjo habang pauwi ng Manila ay panay pa rin ang kumusta niya sa mga kasamahan at production team kung okay sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay nagpapalakas pa ang aktor at haharapin niya ang lahat ng mga isyung ibinato sa kanya sa tamang panahon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending