Kim, Barbie game na game magsama sa movie: Magkapatid tayo na baliwan!
GAME na game magsama sa isang acting project sina Barbie Forteza at Kim Chiu kung mabibigyan daw sila ng pagkakataon.
Napag-usapan ng dalawang aktres ang tungkol dito nang mag-collab sila sa kani-kanilang YouTube vlog na pinagpipiyestahan ngayon ng mga netizens.
Mapapanood sa naturang vlog ang “Q&A” session nina Kim at Barbie kung saan napagkuwentuhan nga nila ang ilang kaganapan sa kanilang personal life at showbiz career.
Baka Bet Mo: Sarah Geronimo 1st Pinay na bibigyan ng parangal sa ‘Global Force Award’
Tinanong ng Kapuso actress ang isa sa mga host ng “It’s Showtime” kung posible kayang magsama sila sa isang project kahit na nga magkaiba sila ng TV network.
Vert positive naman si Kim na pwedeng-pwede silang magkatrabaho sa isang pelikula o teleserye dahil naniniwala silang wala nang network war at usung-uso na ngayon ang collab.
View this post on Instagram
“Naiisip ko puwede nating gawin since marami tayong energy gusto ko like gumawa tayo ng nakakatawang pelikula. Funny na magkapatid na baliwan na magkaaway pero nag-reconcile,” ang pahayag ni Kim.
Samantala, nasabi rin ni Barbie sa chikahan nila ni Kim na mabilis siyang makapag-move on kaya ang question niya sa ex-dyowa ni Xian Lim kung ganu’n din ba siya.
Ang natatawang tugon ni Kim, “Oo mabilis ako mag-move on. Ano ba yon? Ano ba tanong? Ha-hahaha!”
Baka Bet Mo: Ria Atayde dream role ang gumanap na may mental disability, gusto ring sumabak sa mga LGBTQ projects
Tinanong naman ni Kim si Barbie kung ano ang mas masakit — ang romantic breakup o friendship breakup? Natulala ang Kapuso star dahil hindi niya alam na para pala sa kanya ang tanong.
“Ang tagal ng pause, nakakainis!” ang natatawang reaksyon ni Kim.
Pag-alala naman ni Barbie sa naturang vlog sa panayam ng “24 Oras”, “Ang saya ng buong vlog, sobrang fun, walang pressure.
“Hindi ko nga alam kung nagkakaintindihan kami kasi apiran lang kami nang apiran, hampasan lang kami nang hampasan,” sey pa ng dalaga habang bumubungisngis.
Anyway, simula sa April 6 ay mapapanood na rin sa GMA 7 ang Kapamilya program na “It’s Showtime.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.