Aiko naloka nang tanggihan ng nakatrabahong artista

Aiko naloka nang tanggihan ng nakatrabahong artista na mag-collab

Reggee Bonoan |February 01,2024
facebook
share this

Aiko naloka nang tanggihan ng nakatrabahong artista na mag-collab

Reggee Bonoan - February 01, 2024 - 02:04 PM

Aiko naloka nang tanggihan ng nakatrabahong artista na mag-collab sa vlog

Aiko Melendez

LUKANG-LUKA ang konsehala ng ika-5 Distrito ng Quezon City at aktres na si Aiko Melendez dahil inalok daw niya ang nakatrabahong artista pero tumanggi dahil busy daw.

On the side kasi ay vlogger si Aiko at iniinterbyu niya ang mga kapwa artista para mas lalong makilala ng publiko.

Naikuwento ito ng konsehala sa kanyang Facebook account kaninang umaga dahil naikumpara niya ang aktor sa kilalang vlogger na inalok niya ng collaboration at pumayag kaagad.

Aniya, “Me chika ako s’yo Mareng Senyora nakakaloka di ba kung sino pa ‘yung mga pinaka-sikat na vlogger ‘yun pa ang napaka-humble, at willing mag collab.

“Kagaya ni Agassi Ching napakabait nila ng mom niya. Samantala etong artista na naka-work ko dati, minessage ko baka puwede mag collab kami. After so many attempts of messages, Sumagot na’ sorry po di ako nakikipag collab po eh.’

“Taray! Understandable naman kung busy siya kasi pareho naman kami busy and sumubok lang naman ako. Kasi kala ko friends kami since naka-work ko na siya dati. Ending barado tablado ako. Ok lang hihi. Baka naman busy talaga siya. Mas busy pa siya ke BIDEN (Joe Biden, Presidente ng Amerika),” aniya.

Baka Bet Mo: Aiko sa rebelasyon ni Eric Quizon: Akala ko hindi niya ako type!

At nagulat si Konsi Aiko dahil pagdating niya kasama ang staff niya sa vlogging ay nalaman niyang gusto pala siya ng nanay ni Agassi Ching kaya tuwang-tuwa nang magkaharap silang dalawa.

Ipinost ni Aiko ang larawan nilang tatlo nina Agassi at mommy nito na may caption na, “Despite being considered as one of the influential vloggers, they have graciously agreed to collaborate with me. I am grateful for their warm hospitality in their beautiful home.

“Tita Gina, you are truly an angel! You are a wonderful and supportive mother to your son. Both of you deserve all the success! I have nothing but kind words for both of you! Agassi Ching Tita Gina,” aniya pa.

Umabot sa 42,000 likes ang post na ito ng aktres at vlogger at 139 shares.

Hmmmm, parang kilala namin ang artistang binabanggit ni Konsi Aiko kahit hindi niya binanggit kung aktor o aktres, pero parang gusto naming humula.

Aktor yata ito na mahilig mag-gym kaya malaki ang katawan. Nabanggit yata ng aktor na ito sa panayam niya na hindi siya nakikipag-collab talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Konsi Aiko, tama po ba ako ng hula? Ha-hahahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending