Vice Ganda kabog ang birthday video

Vice kabog ang birthday video; Ion, Jugs, Teddy, Ryan ibinandera ang pagbati

Pauline del Rosario - March 31, 2024 - 11:26 AM

Vice kabog ang birthday video; Ion, Jugs, Teddy, Ryan ibinandera ang pagbati

PHOTO: Screengrab from Instagram/@praybeytbenjamin

KASABAY ng Easter Sunday, ipinagdiriwang ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang 48th birthday.

Sa Instagram, ibinandera ni Vice ang pasabog niyang birthday video reel na ipinapakita ang iba’t-ibang pasabog na stylish outfits.

Caption niya diyan, “Mothering video tutorial from the unkabogable mother of mothering! Daming mother! Waaaah!!! [sparkle emoji]”

Kalakip pa niyan ang hashtag na “VGFul Birthday.”

Baka Bet Mo: Vice super happy sa piling ng asawang si Ion: ‘Ito yung estado ng buhay ko na gustung-gusto ko, malalim yung kasiyahan ko’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Sa comment section, maraming fellow celebrities ang bumati sa kanyang special day.

Kabilang na riyan sina Arci Munoz, Amy Castillo, Bianca Gonzalez, Tim Yap, Aiko Melendez, Karylle, Kean Cipriano, at marami pang iba.

Siyempre, hindi rin nagpahuli ang ilang co-hosts ni Vice sa noontime show na “It’s Showtime” na nag-post pa sa kani-kanilang IG account upang batiin ang kanilang meme.

Unang-una na riyan ang kanyang asawa na si Ion Perez na ibinandera ang ilang sweet photos nilang dalawa.

“Tulad ng sinabi ko dati maraming rason ang TAMA para maging MALI pero ang pagmamahal ko sayo kahit KAILAN walang rason para maging MALI,” saad ni Ion sa matamis niyang post para sa TV host-comedian.

Mensahe pa niya, “Happy birthday mybestfriend mysoulmate mybabe myWIFE I LOVE YOU MOST!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

May post din si Teddy Corpuz na kung saan ay ibinahagi niya rin ang ilang matatamis na litrato nina Vice at Ion.

Sey niya sa IG, “Happy birthday meme @praybeytbenjamin I’m one of the happiest when you and Ion found each other.”

“Stay in love and passionate with each other as you both fix your eyes on Jesus. Good health, long life, and protection from our God above! Love you meme lam mo yan [red heart emoji],” caption pa niya.

Baka Bet Mo: Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝕿𝖊𝖉𝖉𝖞 𝕮𝖔𝖗𝖕𝖚𝖟 (@teddspotting)

Pagbati naman ni Jugs Jugueta kay Vice, “Happy happy birthday to the mother of all mothering mothers, Ate @praybeytbenjamin!!! Enjoy your day!!! [blowing kiss, cake, balloon emojis]”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kalakip niyan ang photo nila ni Vice kasama si Teddy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JUGS Jugueta (@jugsjugsjugs)

Hindi rin nakalimutan ni Ryan Bang ang kanyang mommy Vice na ibinida ang birthday greeting sa kanyang Instagram Story.

Ibinahagi ni Ryan ang throwback picture nila ng komedyante na tila eksena sa noontime show.

“Happy Birthday Mommy Vice ko @praybeytbenjamin i love you so much [red heart emoji],” caption niya.

Vice kabog ang birthday video; Ion, Jugs, Teddy, Ryan ibinandera ang pagbati

PHOTO: Instagram Story/@ryanbang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending