Joey binarag sa 'nakakakilabot' post: Corny! As always!

Joey binarag ng netizens sa ‘nakakakilabot’ post: Corny! As always!

Ervin Santiago |March 31,2024
facebook
share this

Joey binarag ng netizens sa ‘nakakakilabot’ post: Corny! As always!

Ervin Santiago - March 31, 2024 - 07:00 AM

Joey binarag ng netizens sa 'nakakakilabot' post: Corny! As always!

Maine Mendoza at Joey de Leon

BASAG na basag ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon sa mga bashers nang mag-post sa social media tungkol sa “something nakakakilabot.”

Pinutakti ng maaanghang na komento ang isa sa mga original host ng “Eat Bulaga” dahil sa natuklasan niyang “kakaiba” sa painting na nakita niya.

Sa kanyang X (dating Twitter) post, makikita ang painting na tinutukoy ng TV and movie icon kung saan nandu’n siya kasama ang mga co-host sa “Eat Bulaga.”

“Here’s something ‘nakakakilabot’ —TVJ’s position sa painting are the Channel numbers of the stations we’ve been to— 5th, 7th and 9th. Meng is on 2nd! At lahat kami 13! Wow!” ang caption ni Joey sa kanyang X post.

Baka Bet Mo: Heart may bagong hugot na idinaan sa lumang painting, sey ng fans: Ramdam namin ang sakit…

Marami ang nag-congratulate sa mga Dabarkads ng “Eat Bulaga” at namangha sa ipinost ni Joey. Pero may mga bumanat din sa kanya at nambarag sa kanyang “nakakakilabot na post.”

Ayon sa ilang netizens, hindi na raw talaga sila natatawa sa mga banat at punchline ng beteranong komedyante kaya sana raw ay mag-retire na ito. Narito ang ilan sa kanilang reaksyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


“Corny. As always!”

“Huh? Anu daw?”

“Hahaha. pilit na pilit ah.”

“Nainggit sa Showtime? Bwak bwak bwak kabado na yarn? BWHWHWHHW!”

Baka Bet Mo: Joey de Leon may na-discover sa tunay na pangalan ni Maine Mendoza: Ito ang matindi…subukan n’yo!

“Cringe nung Taglish kineso ni tanda.”

“Meng is on the 2nd. Maipilit yung channel 2? Anong nakakakilabot dun? Ina nento.”

“Nangilabot ka sa painting pero kay Pepsi hindi ka kinikilabutan??”

“Jusko na-iconnect mo pa yan.”

“Pahinga na kayo wala na kayong appeal.”

“Mema haha!”

“And then?”

“Laos na tanders.”

“Kanino lolo to? Sunduin niyo na.”

In fairness, may mga nagtanggol din naman kay Joey.

“And this is the HENYO MASTER LADIES AND GENTLEMEN. Kaya naman si Marc Logan saludo din sa inyo eh. pa share naman po ng utak hehehe.”

“Nice art work! Bes Guru, Solid dabarkads talaga tayo. Isa ka din Henyo. Congratulations.”

“Talagang Henyo Master si sir Joey de Leon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Grabeee henyo master @angpoetnyo napabilang ako dun. Ikaw na talaga po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending