Maxene spotted uli sa mall kasama ang bagong rumored BF, HHWW pa!

Maxene spotted sa isang mall kasama ang bagong rumored BF, HHWW pa!

Maxene Magalona at Geoff Gonzalez=s

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Maxene Magalona tungkol sa umano’y bago niyang karelasyon na isang DJ.

Matagal nang nababalita na nakatagpo na ng bagong pag-ibig ang Kapamilya actress sa katauhan ni Geoff Gonzalez na sinasabing may anak na mula sa dating karelasyon.

Baka Bet Mo: ‘HHWW’ photo nina Joshua Garcia at Bella Racelis viral na, girlfriend reveal na nga ba ang drama?

Kamakailan ay nakita namin si Maxene sa isang shopping mall sa Ortigas kasama si Geoff at ang anak nito. HHWW o holding hands while walking pa ang magdyowa.


May isang Marites na nakakita rin sa dalawa ang narinig naming nag-dialogue ng, “Yun pala yung dyowa ni Maxene. Yung nag-viral sa social media tapos magkahawak-kamay pa sila.”

Ang tinutukoy niya ay ang kumalat na TikTok video nina Maxene at Geoff na kuha habang naglilibot sila mga cellphone stalls sa Greenhills, San Juan City.

Baka Bet Mo: Sa wakas, Christian wedding nina Geoff Eigenmann at Maya Flores natuloy na rin

Sa comment section ng naturang TikTok entry, pinangalanan nga ng mga netizen ang non-showbiz guy na si Geoff Gonzales na DJ daw sa isang bar sa BGC, Taguig City.

Mukhang happy naman si Maxene sa bago niyang pag-ibig at base sa nakita naming mga eksena sa mall, malapit din ang sinasabing anak ni Geoff sa aktres dahil palagi itong nakahawak sa kanyang kamay.


Nauna rito, may kumalat ding chika na magkasamang nagbakasyon sa El Nido, Palawan last year. Kumalat sa social media ang litratong ipinost ng isang netizen kung saan makikita si Maxene na nasa big lagoon sakay ng kayak.

Nasa likod niya ang lalaking may hawak na sagwan na sinasabing si Geoff.

Magdadalawang-taon nang single si Maxene after ng breakup nila ng dating asawang si Rob Mananquil. Halos apat na taon din silang nagsama bilang mag-asawa.

Dalawang beses silang ikinasal, ang una ay sa pamamagitan ng intimate church wedding sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City, noong January 8, 2018.

Ang ikalawa ay sa isang beach wedding sa Boracay noong January 11, 2018.

Read more...