Maxene Magalona naloka, 'nagpa-renovate' raw ng ilong sabi ng netizen | Bandera

Maxene Magalona naloka, ‘nagpa-renovate’ raw ng ilong sabi ng netizen

Therese Arceo - October 25, 2023 - 06:45 PM

Maxene Magalona naloka, 'nagpa-renovate' raw ng ilong sabi ng netizen

ALIW na aliw ang aktres na si Maxene Magalona sa isang komento ng netizen ukol sa kanyang ilong.

Sa isa sa kanyang reels na ibinahagi sa Facebook kung saan may caption na “Your energy is not for everyone. And that’s okay”, isang netizen ang pumansin sa kanyang ilong.

Saad nito, “Nagparenovate pala ng ilong si [Maxene], ngayon ko lang napansin.”

Ibinahagi naman ito ng aktres sa isa sa kanyang Instagram stories.

Baka Bet Mo: Payo ni Maxene Magalona, huwag magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao: ‘Live your life for yourself, not for others’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“One of my favorite comments so far,” caption ni Maxene sa kanyang IG story.

Nang tignan naman namin ang kanyang FB reels ay marami sa mga netizene ang pumupuri sa kanya dahil “xerox” copy raw siya ng kanyang yumaong ama na si Francis Magalona.

“Xerox copy ka ni idol Francis M.kung naging lalaki ka ikaw na ikaw tlga si fm,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Female version ni Francis M.(heart emoji) Maxene magalona.”

“Ilong palang FM na FM na eh ganda talaga pag mga Legit,” hirit naman ng isa.

Samantala, marami sa madlang pipol ang nag-aabang kung ano ang reaksyon ni Maxene at ng iba pang miyembro ng pamilya Magalona sa paglabas ng diumano’y “ex-lover” ng kanilang ama na si Abegail Rait.

Matatandaang nagulantang ang buong bansa sa pasabog na kwento ng dating flight attendant na nagbenta ng jersey ni Francis M kay Boss Toyo.

Inamin kasi nito na nagkaroon siya ng relasyon sa namayapang ama ni Maxene at nagbunga nga ang kanilang pagmamahalan ng isang anghel at ito nga ay si Gaile Francesca.

“For 15 years, nanahimik ako. Siguro naman ito na lang yung karapatan na puwede kong magawa para sa kanya (Chesca). Hindi naman ako nagsalita, e. I know people will judge me but we exist. What we had is real,” ang sabi ni Abegail.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pang direktang pahayag sina Maxene ukol sa isyu maging sa diumano’y half sister nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mananatili namang bukas ang Bandera para sa pahayag ng pamilya ukol sa isyu.

Related Chika:
Hirit ng netizens kay Maxene Magalona, ang ‘fake-fake’ raw ng kanyang ‘happiness’ dahil malungkot ang mga mata

Maxene Magalona malalim ang hugot sa ‘toxic relationship’: ‘Heal your wounds and transform yourself’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending