Angelu de Leon wish na magkaayos sila ni Claudine Barretto

Angelu de Leon wish na magkaayos sila ni Claudine Barretto

Therese Arceo |March 29,2024
facebook
share this

Angelu de Leon wish na magkaayos sila ni Claudine Barretto

Therese Arceo - March 29, 2024 - 02:26 PM

Angelu de Leon wish na magkaayos sila ni Claudine Barretto

Angelu de Leon at Claudine Barretto

BUKAS ang actress-politician na si Angelu de Leon sa pakikipag-ayos sa kapwa aktres na si Claudine Barretto.

Hindi naman kaila sa madla na tila mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa.

Matatandaang noong 20th anniversary celebration nina Christopher Roxas at Gladys Reyes ay umusbong na tila may alitan between Angelu at Claudine.

Nang imbitahan kasi ni Gladys onstafe ang kanyang mga artista friends para magbigay ng message sa kanilang mag-asawa ay nabanggit ni Claudine ang tungkol sa reunion movie na gusto niyang gawin nila together at kasama rin si Judy Ann.

Baka Bet Mo: Mga hugot ni Angelu de Leon tungkol sa pagpapatawad patama kay Claudine Barretto?

“I-manifest na natin yung pelikula natin with Juday,” sabi ni Claudine.

Sagot ni Gladys, “Ha-ha-ha! Kayo na lang! Game ka ba doon, Clau? Game ka ba doon kung matutuloy ang reunion project natin with Juday and Angelu?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngunit diretsahang sey ni Cludine, “No, no, no. Hindi. Ikaw lang, at ako, at si Juday. Walang Angelu.”

Magsasalita pa nga sana si Claudine ngunit pinigilan na lang ni Gladys sa pamamagitan ng pagbaba ng mikropono ng kaibigan.

Agad nga itong nag-viral sa social media at nasulat sa iba’t ibang entertainment sites ngunit naging tahimik si Angelu ukol rito at puro hugot tungkol sa “forgiveness” lang ang ibinahagi sa IG stories.

Ngunit sa naging interview niya kay Ogie Diaz ay nabanggit nitong darating rin ang araw na magkakaayos sila ni Claudine.

“Kasi sinasabi nga nila, kailangan ba talagang humingi pa ng sorry bago mo patawarin? Hindi na naman, di ba? But eventually, in God’s time, kung magkakaayos, maaayos din,” sey ni Angelu.

Nang matanong kung anong naging reaksyon niya sa mga sinabi ni Claudine, thankful siya na wala na siya sa party nang maganap ito.

“Yung initial reaction ko talaga, buti na lang wala na ako dun. Siyempre, parang gusto mo ng showbiz answer. At kung nandun ako, okey lang,” sagot ni Angelu.

Pagpapatuloy niya, “Pero kasi, siyempre, dahil hindi naman yun yung nangyari, and I don’t play what ifs in my life, I’m grateful na yung pagkakataon na yun, ganun nangyari.”

Tingin rin ni Angelu na kailangan niya sigurong magnilay-nilay.

“Pero, I don’t want to disregard din kung meron siyang feelings na nasaktan, di ba? Hindi ko naman, ano, kung merong ganun pala, then eventually, sana magkaroon ng pagkakataon,” pagpapaliwanag niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sundot ni Ogie, “Na makapag-usap kayo?”

“Oo, na mag-ayos na lang, nang face-to-face. And nang talagang sincerely, yung mangyayari,” ani Angelu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending