Leren proud kay Ricci: From your Nanay, Tita and Ate all in one

Leren proud kay Ricci: From your Nanay, Tita and Ate all in one

Therese Arceo |March 28,2024
facebook
share this

Leren proud kay Ricci: From your Nanay, Tita and Ate all in one

Therese Arceo - March 28, 2024 - 12:52 PM

Leren proud kay Ricci: From your Nanay, Tita and Ate all in one
SUPER proud ang beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista sa panibagong achievement na nakamit ng kanyang dyowang si Ricci Rivero.

Nitong Martes, March 26, ibinandera ng Laguna councilor ang kanilang larawan pati na rin ang video ni Ricci habang naglalaro ito sa kanyang kauna-unahang PBA All-Star Game bilang rookie.

Sa kabila ng sobrang pagka-proud ni Leren sa kanyang dyowa ay hindi rin nito pinalampas ang hind mamatay-matay na isyu ukol sa kanilang age gap.

Tila sinakyan na nga lang niya ang patuloy na sinasabi ng bashers nila dahil mas matanda siya ng limang taon sa basketbolista.

Baka Bet Mo: Leren sa mga basher na nagsasabing ‘Tita’ siya ni Ricci: ‘Ate lang!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Congratulations on your first PBA All Star Game my love @ricciiirivero. You being the only rookie who played during the All Star Game was something else! We are so proud of you [kiss and heart emoji],” saad ni Leren.

Pabirong hirit pa niya, “From your Nanay, Tita and Ate all in one [laugh emoji].”

Matatandaang nauna nang natalakay ang age gap nina Leren (30) at Ricci (25) nang mag-guest sila sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong February 16, 2024.

Anila, kahit na 5 years ang agwat nila ay hindi naman ito naging balakid sa kanilang pag-iibigan.

“Sobrang nagkakaintindihan din naman kami.Ang level of maturity ni Ricci, parang sabi ko nga, parang mas mature pa siya sa akin pero ako yung mas matanda,” paliwanag ni Leren.

Pagpapatuloy pa niya, “Natatawa lang ako minsan kasi kapag sinasabi nilang tita daw po ako ni Ricci, sabi ko, ‘Ate lang'”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending