Ricci suplado ang dating kay Leren; love story sa feeding program

Ricci suplado ang dating kay Leren; love story nagsimula sa feeding program

Ervin Santiago |February 19,2024
facebook
share this

Ricci suplado ang dating kay Leren; love story nagsimula sa feeding program

Ervin Santiago - February 19, 2024 - 08:40 AM

Ricci suplado ang dating kay Leren; love story nagsimula sa feeding program

Leren Mae Bautista at Ricci Rivero

SUPLADO” ang unang impression ng dating beauty queen na si Leren Mae Bautista sa kanyang boyfriend na si Ricci Rivero.

Yan ang ginawang pag-amin ni Leren nang matanong tungkol sa una nilang pagkikita ng aktor at basketball player sa isang event na sabay nilang dinaluhan ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Naikuwento ni Leren, na isa sa mga naglilingkod bilang konsehal sa Los Baños, Laguna, kung paano nagsimula ang love story nila ni Ricci sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, February 16.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre, Christophe Bariou nagdaos ng feeding program sa Siargao

“Nag-start talaga, Tito Boy, during that feeding program, ‘yon naman talaga. Doon ko rin siya nakita in person, nakausap din,” simulang pagbabahagi ni Leren.

Nasupladuhan daw siya kay Ricci noong una nilang pagkikita, “At first parang, ‘A, okay artista nga talaga, artista talaga siya. Sorry po sa ibang ano (artista) parang ano suplado.”

Ngunit depensa ni Ricci, hindi naman daw niya sinadya na maging suplado ang dating niya kay Leren.

“Hindi, Tito Boy. Alam niya kung ano ‘yong reasons n’on. Kilala niya naman na ako,” esplika ng binata.

Pagkatapos daw nilang magkakilala at mabigyan ng chance na makapag-usap, nagkapalagayan na sila ng loob hanggang sa mauwi na nga sila sa isang seryosong relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito, mariing pinabulaanan ni Ricci ang chika na planado raw ang kanilang pagkikita sa nasabing feeding program sa Los Baños, tulad ng kine-claim ng mga bashers after ng breakup nila ni Andrea Brillantes.

Baka Bet Mo: Leren Mae Bautista aminadong nasasaktan sa pamba-bash sa kanila ni Ricci Rivero, pero…

“Actually, hindi kaming dalawa ang nag-plan niyan. Ako, nagsabi lang ako doon sa friend ko na kakilala dahil doon ako papunta sa kanila dahil galing ako sa Isabela that time and then sabi ko lang baka may kakila siyang puwedeng mag-organize.

“Yearly ginagawa ko talaga siya before especially before the pandemic and the whole pandemic naman nag-try kami to help and give,” paliwanag pa ng cager.

Aniya pa, “Doon lang siya talaga. Hindi talaga namin planned. Hindi kami magkakilala before that, doon lang din kami nag-meet.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago lumantad sa publiko ang dalawa at aminin ang kanilang relasyon, pinagbintangan at inakusahan ng mga fans ni Andrea si Leren Mae na siyang dahilan ng breakup ng Kapamilya actress at ni Ricci.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending