Kris naka-survive na walang yaya sa loob ng 1 linggo

Kris naka-survive na walang yaya sa loob ng 1 linggo, grateful sa mister

Pauline del Rosario |March 28,2024
facebook
share this

Kris naka-survive na walang yaya sa loob ng 1 linggo, grateful sa mister

Pauline del Rosario - March 28, 2024 - 10:45 AM

Kris naka-survive na walang yaya sa loob ng 1 linggo, grateful sa mister

PHOTO: Instagram/@krisbernal

UNTIL now, naghahanap pa rin ng yaya ang aktres na si Kris Bernal.

Ayon sa kanya, isang linggo na silang walang katuwang sa pag-aalaga sa anak nila ni Perry Choi na si Baby Hailee Lucca.

Kaya naman, isang linggo rin siyang hindi nakapag-post sa social media.

Recently lamang ay nagkaroon siya ng update at nabanggit nga niya na pagod na pagod na silang mag-asawa dahil sa dami nilang duties bilang parents, sa bahay at negosyo.

“I haven’t been on social media in weeks because we have yet to find a yaya and a house helper. Naghahanap pa din kami,” update ng aktres.

Baka Bet Mo: Paghahanap ng malilipatang bahay ni Claudine inintriga: ‘Tumira ka na lang sa condo mo, titirhan lang yun ng multo kung walang nakatira’

Paglalarawan pa niya sa sitwasyon nila ng mister, “Walang pahinga, walang tulog. Literal!”

“Perry is in-charge of the household while I am in responsible/in care of Hailee,” kwento pa niya.

Kasabay ng kanyang post, lubos niyang pinasalamatan si Perry dahil maaasahan daw talaga ito bilang mister at tatay.

“I am grateful for having a spouse on whom I can always rely on. Through good and bad. Rain or shine. Extremely attentive to our needs,” sey ni Kris.

Kris naka-survive na walang yaya sa loob ng 1 linggo, grateful sa mister

PHOTO: Instagram Story/@krisbernal

Sa hiwalay na Instagram Story, ibinandera ni Kris ang video ng kanyang mag-ama na tulog na tulog sa upuan.

Kitang-kita na pagod na pagod na nga si Choi at mukhang malalim na ang pagkakatulog habang yakap ang anak.

“Kaya pa, @choi.perry?” lahad ng aktres sa caption.

Kris naka-survive na walang yaya sa loob ng 1 linggo, grateful sa mister

PHOTO: Instagram Story/@krisbernal

Noong March 20 nang huling nanawagan si Kris kaugnay sa paghahanap ng yaya.

“No yaya = no tulog,” ang nakalagay sa caption ng post ni Kris, kalakip ang isang selfie photo kung saan makikitang tila super tired at puyat-puyatan ang peg habang karga ang kanyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“SEND HELP! Looking for yaya! Send me a DM! Referrals only from fam/friends!” hirit pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending