Paghahanap ng malilipatang bahay ni Claudine inintriga: 'Tumira ka na lang sa condo mo, titirhan lang yun ng multo kung walang nakatira' | Bandera

Paghahanap ng malilipatang bahay ni Claudine inintriga: ‘Tumira ka na lang sa condo mo, titirhan lang yun ng multo kung walang nakatira’

Ervin Santiago |October 17,2023
facebook
share this

Paghahanap ng malilipatang bahay ni Claudine inintriga: ‘Tumira ka na lang sa condo mo, titirhan lang yun ng multo kung walang nakatira’

Ervin Santiago - October 17, 2023 - 07:28 AM

Paghahanap ng malilipatang bahay ni Claudine inintriga: 'Tumira ka na lang sa condo mo, titirhan lang yun ng multo kung walang nakatira'

Claudine Barretto

NAINTRIGA nang bonggang-bongga si Claudine Barretto dahil lang sa ipinost niya sa social media tungkol sa paghahanap ng malilipatang bahay.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa Instagram post ni Claudine kung saan in-announce nga ng aktres na naghahanap siya ng bahay na marerentahan.

“Looking for a house for rent, with 4 to 5 bedrooms. Along katipunan,” ang maiksing pahayag ni Claudine sa kanyang IG post.

Ilang bashers at haters ang kung anu-anong negatibong comments ang sinabi netizens sa post ni Claudine. Ngunit burado na ang ilang hate message sa comments section.

Pero mababasa pa rin sa post ni Claudine ang ginawang pagtatanggol sa kanya ng netizens.

Baka Bet Mo: ‘Ang naging sukatan ng beauty noon ay ang kagandahan ni Sharon Cuneta!’

Sabi ng isang IG user, “Naghanap lang ng uupahan ung tao dami na nega comment..eh anu naman ngayon kung kelangan nya guys ng umupa. Paparenovate nga eh..tapos ano naman ngayon kung binenta nya isang bahay nya?!!! may problema po ba?”

Ayon sa isa pa, “Naghahanap lang ng ma rerentahan kung saan saan na napunta usapan hahahah.juicecolored.”

Sa comment section, nilinaw nga ng aktres kung bakit kailangan silang lumipat pansamantala, “I-clear ko lang po. kailangan namin lumipat dahil ipapa renovate po yung bahay ko.

“Pagagandahin at mag dadagdag ng mga kwarto kaya d kami pwede dito sa bahay.may parts na ipagigiba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janelle Jamer (@janellejamer)


“Thank you so much sa inyong lahat.lalo na sa mga nag worry. I luv you all & maraming salamat po (praying hands emojis),” paliwanag ni Claudine.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos, pero bakit nakaladkad sa isyu si Rico Yan?

Suggestion naman ng isa pa niyang IG follower, “@claubarretto Dapat maiwan dun si Sol para tumulong gumiba, at para may tumingin na din sa bahay.

“Huwag ka na umupa, tumira ka na lang sa condo mo sayang yun, titirhan lang yun ng multo kung walang nakatira,” anito.

Sagot sa kanya ni Claudine, “May nagre rent ng LPL at BONIRIDGE sa BGC kong condo at d kami kakasya sa Condo. apat anak ko plus staff & Drivers.kaya bahay talaga po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang apat na anak ni Claudine ay sina Sabina, Santino, Quia, at Noah.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending