Relasyon nina Cristine at Marco nagsimula sa pagwo-workout

Relasyon nina Cristine at Marco nagsimula sa pagwo-workout: Na-develop!

Ervin Santiago |March 25,2024
facebook
share this

Relasyon nina Cristine at Marco nagsimula sa pagwo-workout: Na-develop!

Ervin Santiago - March 25, 2024 - 01:02 PM

Relasyon nina Cristine at Marco nagsimula sa pagwo-workout: Na-develop!

Cristine Reyes at Marco Gumabao

PINAG-ISIPANG mabuti ng aktres at celebrity mom na si Cristine Reyes bago sagutin at makipagrelasyon kay Marco Gumabao.

Naging isa sa mga consideration ng award-wining actress ang limang taong agwat ng edad nila ng binata – 35 na siya ngayon habang turning 30 na this year si Marco.

Halos isang taon na ngayon ang nakararaan mula nang aminin nina Marco at Cristine sa publiko ang kanilang relasyon at in fairness, mukhang solid na solid naman ang kanilang pagsasama.

Sa panayan ni Luis Manzano kay Cristine para sa kanyang YouTube channel, inamin nga ng aktres na talagang pinag-isipan niya nang bonggang-bongga ang kanilang age difference bago nakipag-commit sa aktor.

Baka Bet Mo: Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

“Makikita mo pa rin na mayroong levels of maturity differences. Iba naman kasi ang lalaki sa babae.

“Ang mga babae, kaya nila mag-mature instantly, pero ang mga lalaki, ang tagal mag-mature,” ang paniniwala ng aktres.

Inalala rin ni Cristine ang pagsisimula ng love story nila ni Marco na na nag-start daw sa pagpunta sa gym at sa pagwo-workout.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cristine 🌻🪻🪽 (@cristinereyes)


“Akala ko barkadahan lang ‘yun kasi we were with Jake Cuenca pa noon. Then, all of a sudden, si Jake napunta na sa Cebu kasi nagte-taping.

Baka Bet Mo: Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’

“Naiwan kaming dalawa ni Marco, so instead na ma-workout ‘yung physical health namin, na-workout ‘yung feelings namin,” ang natatawang chika ni Cristine.

Ang ilan daw sa mga qualities na nagustuhan ng aktres kay Marco ay ang pagiging “family-oriented’ nito at “God-fearing”.

Matatandaang ibinandera nina Cristine at Marco ang kanilang relasyon sa buong universe pamamagiyan ng Instagram noong April, 2023.

At nito lamang nagdaang buwan, isiniwalat ng aktres na napawalang-bisa na ang kasal nila ng kanyang ex-husband na si Ali Khatibi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maayos naman daw ang naging co-parenting agreement nila ng aktor at model para sa kanilang anak na si Amarah.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending