Kim kay Mr. Right: Kung nandiyan, nandiyan, kung wala, wala!

Kim sa bagong Mr. Right: Kung nandiyan, nandiyan, kung wala eh, di wala!

Ervin Santiago |March 25,2024
facebook
share this

Kim sa bagong Mr. Right: Kung nandiyan, nandiyan, kung wala eh, di wala!

Ervin Santiago - March 25, 2024 - 08:00 AM

Kim sa bagong Mr. Right: Kung nandiyan, nandiyan, kung wala eh, di wala!

Kim Chiu

WALA nang mahihiling pa ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu sa kanyang personal na buhay at showbiz career.

Ayon sa dalaga, kung meron man daw siyang wish ngayon yan ay ang patuloy na pagsuporta at pagmamahal ng kanyang mga fans and supporters.

“Ako hiling ko sana tuluy-tuloy lang din ‘yung suporta nila sa akin, sa lahat ng shows and very thankful din sa ABS-CBN,” ang pahayag ni Kim sa panayam sa kanya ni MJ Felipe.

Baka Bet Mo: Rambo nag-adjust nang bonggang-bongga para patunayang super love si Maja: ‘I trust him pero ang temptation bigla na lang nandiyan’

Sa tanong kung naniniwala ba siya sa kasabihan sa entertainment industry na kapag bongga ang takbo ng career ng isang artista ay hindi naman ito ganu’n kaswerte sa lovelife.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Huwag naman sana! Hindi, kung nandiyan, nandiyan. Kung wala eh, di wala. So parang, bonus yung love if ever,” sagot ni Kim.

Kalat na kalat na ngayon ang chika na may bago na raw girlfriend ang ex-dyowa niyang si Xian Lim sa katauhan ng movie producer na si Iris Lee.

E, si Kim ba nakatagpo na rin ng bago niyang “Mr. Right”, “Grabe naman! Masaya naman tayong lahat, so sana let’s savor this moment habang nandiyan.

Pero kahit wala raw boyfriend, masayang-masaya raw siya ngayon, lalo na sa itinatakbo ng kanyang career. Kabilang na nga rito ang sunud-sunod niyang teleserye at ang pagpirma ng kontrata ng ABS-CBN sa GMA 7 para sa pagpapalabas ng “It’s Showtime” sa Kapuso Network.

“Happy, apaka-OA! Masaya! Di ko in-expect. I thought I’m done. Gulat ako with everything, kaya masaya ako,” sabi ni Kim.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique?

Inamin ng dalaga na inakala niyang katapusan na ng kanyang career noong mag-viral ang kanyang “bawal lumabas” statement kung saan nakatikim siya ng matitinding batikos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“After ‘bawal lumabas’, so parang feeling ko, kaya nafra-fragile ako lately. From FIT Check, Linlang, and Showtime, and ito nga What’s Wrong With Secretay Kim? So, thankful talaga ako.

“Sobrang happy talaga, like ang haba namin siya pinromote at sobra kaming kinakabahan and hindi namin maipaliwanag yung nararamdaman namin during that time.

“We’re very happy sa naging outcome ng What’s Wrong with Secretary Kim? Sana magtuluy-tuloy,” lahad ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dugtong pa niya, “Walang mapaglagyan ‘yung puso ko sa sobrang saya. Gusto ko lang mag-work nang mag-work, and dahil na rin sa mga taong sumusuporta din, mga naniniwala, sa mga taong curious din, sobra akong nagpapasalamat!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending