Rambo nag-adjust nang bonggang-bongga para patunayang super love si Maja: 'I trust him pero ang temptation bigla na lang nandiyan' | Bandera

Rambo nag-adjust nang bonggang-bongga para patunayang super love si Maja: ‘I trust him pero ang temptation bigla na lang nandiyan’

Ervin Santiago |August 14,2023
facebook
share this

Rambo nag-adjust nang bonggang-bongga para patunayang super love si Maja: ‘I trust him pero ang temptation bigla na lang nandiyan’

Ervin Santiago - August 14, 2023 - 07:28 AM

Rambo nag-adjust nang bonggang-bongga para patunayang super love si Maja: 'I trust him pero ang temptation bigla na lang nandiyan'

Rambo Nuñez at Maja Salvador

TALAGA palang isinakripisyo ni Rambo Nuñez ang ilang nakasanayang gawin noong binata pa siya para lang sa kanyang asawang si Maja Salvador.

Aminado si Maja na isa siyang “overthinker” o may pagkapraning din lalo na kapag si Rambo na ang pinag-uusapan.

Sa isang TikTok video na viral na ngayon sa social media, mapapanood ang interview sa bagong kasal. Kuha ito sa panayam ng Mega Magazine sa celebrity couple.

Dito nga inamin ng TV host-actress na hindi niya gusto ang gabi-gabing pagpunta ni Rambo sa pag-aari nitong mga bar.

Sinabi raw ni Maja kay Rambo noong hindi pa sila kasal na ikamamatay niya ang labis na pag-iisip sa tuwing nasa bar ang kanyang dyowa, lalo’t alam niya kung anu-ano ang nangyayari sa mga ganu’ng lugar.

In fairness, sa halip na magalit at ma-offend, si Rambo na ang nag-adjust para matahimik ang kalooban ni Maja at mawala na ang takot na nararamdaman nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)


“So, 3 a.m, nagising ako, tapos walang message from him. Nag-palpitate ako, eh. Kasi kakadyowa reveal lang namin sa Instagram. I told him (yung nararamdaman ko).

“Ang ginawa niya, pinuntahan niya ‘ko. Ang sabi ko, ‘Nasan ka? Kasi kinakabahan ako.’ I mean, I trust him, but ang temptation, nandiyan na lang bigla sa ‘yo,” pahayag ni Maja.

Baka Bet Mo: Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…

Dagdag pa niya, “Wala ka ring magagawa, eh. OA ako mag-isip. Ine-end ko na relationship namin. Sabi ko, ‘Parang di ko kaya na parati kang nandiyan sa bar mo, mamamatay ako kakaisip.’”

“After noon, nag-adjust siya. Hindi na siya nagpupunta ng bars unless kasama ako. Sabi niya, ‘hindi na yon ulit mangyayari na ma-feel mo ulit yun,’” chika pa ng aktres at TV host.

Sa isa pang panayam, nabanggit din ni Maja kung gaano karami ang isinasakripisyo ni Rambo para sa kanya at sa kanilang relasyon para lamang mag-work ito.

“Lagi akong nagte-thank you kay Rambo kasi ang dami niyang adjustment para sa akin kasi mahal niya talaga ako.

“So ako, I’m willing to adjust also and willing to balance everything para this time, ‘yung love naman namin ang focus ko,” pahayag ni Maja.

Maja Salvador tipid pa rin sa pagse-share ng detalye sa ‘destination wedding’ nila ni Rambo Nuñez; binansagang ‘Queen of All Networks’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janella Salvador super happy sa kasal nina Maja at Rambo: My parents are married!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending