Anne Curtis grateful sa pagtanggap ng GMA sa It’s Showtime
LABIS ang pasasalamat ng TV host-actress na si Anne Curtis sa naging pagtanggap ng GMA Network sa “It’s Showtime” bilang opisyal nilang noontime program.
Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang isang reel kung saan makikita ang kanilang paghahanda papunta sa GMA Network para sa contract signing matapos ang episode ng kanilang noontime show noong Miyerkules, March 20.
“Never in our wildest dreams. It’s been a journey of high lows and as we inch closer to our 15th year, we are humbly grateful to @gmanetwork for officially making us their new noontime show,” saad ni Anne.
Nangako naman ang TV host-actress na patuloy nilang pasasayahin ang madlang pipol.
Baka Bet Mo: Anne Curtis nag-ala Taylor Swift sa bday prod, mga OFW ‘umuwi’
View this post on Instagram
Sey ni Anne, “We will continue our journey in making our Madlang People/Kapuso happy! Maraming Salamat sa GMA bosses for such a warm welcome.
“And again, to our ABS-CBN bosses, thank you for keeping the faith and fighting for us.”
Nakiusap naman si Anne na abangan ang pag-ere ng “It’s Showtime” sa April 6 sa GMA 7.
Samantala, talaga namang hinangaan ng netizens ang walang kupas na ganda ng celebrity mom na pinag-usapan sa X (dating Twitter).
“Grabe napakaganda mo talaga Anne!! Isa kang tunay na dyosa,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Apakan mo akooo!! Ikaw ang nag-iisang dyosa kahit mayroon ka ng Dahlia.”
“Anne Curtis, how to be you po? Hindi tumatanda ang mukha, napakabait pa!” hirit naman ng isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.