Gabby sinasabing OK na pero basag pa rin ang puso

Gabby sinasabing OK na pero basag pa rin ang puso sa pagpanaw ni Jaclyn

Ervin Santiago |March 20,2024
facebook
share this

Gabby sinasabing OK na pero basag pa rin ang puso sa pagpanaw ni Jaclyn

Ervin Santiago - March 20, 2024 - 11:59 AM

Gabby sinasabing OK na pero basag pa rin ang puso sa pagpanaw ni Jaclyn

Jaclyn Jose, Andi Eigenmann at Gabby Eigenmann

WASAK na wasak pa rin ngayon ang puso ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann sa biglang pagkamatay ni Jaclyn Jose.

Medyo nakakabawi na raw siya sa ilang araw na pagpupuyat sa burol ng namayapang veteran actress pero nananatili pa rin ang sakit at matinding  kalungkutan ng kanilang pamilya sa pagpanaw ng TV and movie icon.

“Ako, personally naka-recover na rin, because the past few weeks have been very dark in a way. Of course, we have lost Tita Jane (tunay na pangalan ng award-winning actress),” pahayag ni Gabby sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

Baka Bet Mo: Yumaong ina ni Aicelle Santos nagparamdam sa pamamagitan ng paru-paro: I know this is you Ma…fly free now

Dugtong pa niya, “You will say you’re okay but deep inside nandoon pa rin,” saad pa ng aktor. “It lingers. It’s always there.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“But you have to be. You have to be strong also,” lahad ng Kapuso actor.

Nangako rin si Gabby kay Jaclyn na hindi niya pababayaan ang kanyang mga kapatid sa ama (ang namayapa na ring aktor na si Mark Gil) na si Andi (pati na ang tatlong anak nito), at si Gwen Guck (anak ni Jaclyn sa isa pa niyang nakarelasyon noon).

“‘Wag ka na mag-alala Tita Jane ako na ang gagabay sa kanila… Mananatili ka sa puso namin at lagi kong ipapadama sa kanila kung gaano mo sila minahal ng lubos.

Baka Bet Mo: Carla Abellana wasak na wasak noong 2022, pero ibinandera ang pagiging survivor

“Mahal kita Tita Jane at ako’y nagpapasalamat dahil nadama ko din ang pagmamahal mo sa akin at sa aking pamilya,” ang caption ni Gabby sa isa niyang Instagram post.

“May ngiti na sa aking mukha dahil alam ko na mas masaya ka na sa piling ni God kasama si Daddy at Tita Cherie. Salamat uli sa lahat lahat..Cheers Love You,” dugtong pa niya.

Anak ni Jaclyn si Andi kay Mark Gil habang si Gabby ay anak ng namayapang aktor kay Irene Celebre. Si Gwen ay anak ni Jaclyn kay Kenneth Ilagan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumanaw si Jaclyn, o Mary Jane Guck sa totoong buhay, dahil sa heart attack noong March 2 sa edad na 60.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending