Bimby nagbago ang desisyon sa pag-uwi ng Pinas

Bimby nagbago ang desisyon sa pag-uwi ng Pinas, mas pinili si Kris

Reggee Bonoan |March 20,2024
facebook
share this

Bimby nagbago ang desisyon sa pag-uwi ng Pinas, mas pinili si Kris

Reggee Bonoan - March 20, 2024 - 09:48 AM

Bimby nagbago ang desisyon sa pag-uwi ng Pinas, mas pinili si Kris

Bimby Aquino at Kris Aquino

NASULAT namin dito sa BANDERA nitong Marso 15 na hindi pa muna makakabalik ng Pilipinas ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby dahil gusto nitong nasa tabi siya ng ina.

Matatandaang nabanggit ni Kris na pagkatapos ng kaarawan niya noong Pebrero 14 ay babalik na ng bansa ang bunsong anak para mag-showbiz.

Ngunit nabago nga ang plano ni Bimby, ayon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste nang makatsikahan namin sa ginanap na Barako Festival 2024 sa Lipa City.

Kinumpirma ito ng handler ni Kris na si Tin Calawod ng Cornerstone Entertainment nang makausap namin sa ginanap na Bona Slim launching kay Moira dela Torre bilang endorser sa Plaza Ibarra, Quezon City kahapon.

Baka Bet Mo: True ba, parinigan nina McCoy at Elisse sa socmed promo lang?

Nagpadala ng mensahe si Bimby sa Ate Tin niya na ipinabasa naman sa amin at binanggit nga ng binatilyong anak ni Kris na, “Hi Ate Tin, I wanna stay muna with mama.”

Ayon pa kay Tin, inaabangan na nga raw nila ang pagbalik ni Bimb para sa showbiz career nito at excited na sila sa mga magiging projects ng bunso ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Pero nalamang hindi na muna matutuloy si Bimby dahil mas ginusto ng bagets na bantayan ang mama niyang may sakit.

Baka Bet Mo: Kris pinatawad na si Mel Sarmiento; muling nag-sorry kay P-Noy

Wala na kasing makakasamang anak si Kris kung iiwan pa siya ng bunso niya dahil ang panganay niyang si Kuya Josh ay narito na sa Pilipinas.

Sabi nga ni VG Mark, “Alam mo si Bimb talagang hahanga ka sa bata. He’s way ahead of his time. Even if he’s only barely 17 (years old), he’s turning 17 on April 19 that’s almost a month from now.

“But he thinks, he acts, he cares and loves his mom like an adult.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Well, he is a young adult, he’s mature, very responsible for his age and he takes good care of his mom like no other,” sabi ng bise gobernador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending