Apl.de.Ap nagregalo ng 20 laptop sa kanyang alma mater

Apl.de.Ap nagregalo ng 20 laptop para sa dati niyang school sa Pampanga

Ervin Santiago |March 20,2024
facebook
share this

Apl.de.Ap nagregalo ng 20 laptop para sa dati niyang school sa Pampanga

Ervin Santiago - March 20, 2024 - 07:36 AM

Apl.de.Ap nagregalo ng 20 laptop para sa dati niyang school sa Pampanga

Apl.de.Ap

TODO pasalamat ang mga estudyante ng Sapang Bato National High School sa Angeles, Pampanga sa international artist na si Apl.de.Ap.

In fairness, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng Black Eyed Peas member ang kanyang pinagmulan, lalo na ang kanyang alma mater.

Yes, nag-aral din si Apl.de.Ap sa Sapang Bato National High School at kamakailan lamang ay bumalik siya roon para bisitahin at pasayahin ang mga estudyanteng naroon.

At bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa dating eskwelahan, nag-donate ang singer-songwriter at record producer ng mahigit 20 laptops para sa mga estudyante.

Baka Bet Mo: Janine tuwang-tuwa na nakabalik sa kanyang alma mater: ‘Flashback sa kaba kung naka-ID ba ako, tama ba length ng skirt ko?’

Kuwento ni Apl.de.Ap sa ulat GTV Balitanghali kahapon, March 19, nakipag-collab siya sa isang international online education platform at isang computer brand para sa kanyang pasorpresa sa Sapang Bato National High School.

Nag-perform din ang international star  sa naturang paaralan kasama ang “The Voice Generations” contestant na Ayta Brothers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Apl.de.Ap (@apldeap)


Ayon sa Filipino-American rapper,  nakikita niya raw ang sarili sa mga batang estudyante sa Sapang Bato National High School na patuloy na nangangarap sa buhay hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa kanilang mga pamilya.

Baka Bet Mo: Candy Pangilinan naantig sa ginawa ng anak; thankful sa natatanggap na blessings

“I was born here. I grew up in Sapang Bato, and I was one of these kids. As one of these kids I was given an opportunity and became a Black Eyed Peas member.

“And now I’m paying it forward to help kids just like me to be able to have an opportunity to these resources and to be able to compete with the world,” sabi ni Apl.de.Ap sa naturang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ng award-wining rapper-composer, pinaghahandaan na ng Black Eyed Peas ang susunod nilang album na magsisilbing regalo nila sa loyal fans ng kanilang grupo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending