Miss World PH tumatanggap na ng 2024 aspirants

The search is on! Miss World PH tumatanggap na ng 2024 aspirants

Pauline del Rosario |March 18,2024
facebook
share this

The search is on! Miss World PH tumatanggap na ng 2024 aspirants

Pauline del Rosario - March 18, 2024 - 02:05 PM

The search is on! Miss World PH tumatanggap na ng 2024 aspirants

PHOTO: Facebook/Miss World Philippines Organization

ISANG linggo matapos ang laban sa 71st Miss World pageant, naghahanap na ng mga bagong kandidata ang Miss World Philippines.

Sa social media, inanunsyo ng MWPH Organization na bukas na ang application process para sa next edition ng local competition.

“The search is on for the next Exceptionally Empowered Filipina. Embrace your crown and make a positive impact on the world!” caption sa Facebook post.

Sey pa, “Step into the spotlight and join us for Miss World Philippines 2024. It’s your chance to shine and complete this year’s incredible lineup of candidates.”

Ang deadline ng entries ay sa darating na April 12.

Baka Bet Mo: Megan Young muling rarampa sa 71st Miss World sa Mumbai, India

Kung maaalala, dalawang taon na ang nakakaraan nang huling tumanggap ng fresh candidates ang nasabing organisasyon.

Ito ay dahil na rin sa pagkakaudlot ng naturang international competition na sanhi ng COVID-19 pandemic.

Magugunitang natapos agad ang Miss World journey ng ating pambato na si Gwendolyne Fourniol nang hindi siya makapasok sa Top 40 quarter-finals ng 71st edition ng Miss World na ginanap sa Mumbai, India noong March 9.

Sa isang Instagram post, inamin ni Gwendolyne na naging emosyonal siya dahil tila hindi niya maisip kung ano ang naging pagkukulang niya sa kompetisyon.

Gayunpaman, alam naman daw ng beauty queen na may ibang plano para sa kanya ang Diyos.

Magugunita na maraming pageant watchers ang nagulat sa naging kapalaran ni Gwendolyne sa international competition.

Umasa kasi sila na malaki ang fighting chance ng tubong Negros Occidental, lalo na’t isa siya sa mga nangunguna sa pre-pageant activities.

Naging Top 32 siya sa Sports Challenges, Top 25 sa Head-to-Head Challenge, Top 23 sa Talent Contest at Top 20 sa Top Model competition.

Ang bagong may hawak ng Miss World title ay si Krystyna Pyszkova na pambato ng Czech Republic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Pinay beauty-actress naman na si Megan Young ang nananatiling nag-iisang Miss World winner ng Pilipinas.

Nakuha niya ang titulo noong lumaban siya sa 63rd edisyon nito na nangyari noong 2013.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending