Tracy Perez, Miss World PH org kay Gwendolyne: ‘You’re still our winner!’
KAHIT maagang natapos ang Miss World journey, winner pa rin para sa Pilipinas ang ating pambato na si Gwendolyne Fournio.
Magugunita na hindi na siya nakapasok sa Top 40 quarter-finals, pero in fairness, ipinakita ni Gwendolyne na binigyan niya ng magandang laban ang 112 na mga naggagandahang kandidata ng 71st edition ng international pageant.
Ang akala pa nga ng marami, malaki ang fighting chance ni Gwendolyne bilang isa siya sa mga nangunguna sa fast-track events ng pre-pageant.
Biruin niyo, nakapag-secure siya ng Top 20 spot sa Top Model Challenge, Top 23 sa Talent Challenge, Top 25 sa Head-to-Head Challenge, at Top 32 sa Sports Challenge.
Baka Bet Mo: Miss World 2024 Krystyna Pyszkova ng Czech Republic pak na pak sa Q&A
Gayunpaman, proud na proud pa rin sa kanya ang lahat, lalo na ang ating mga kababayan dahil sa ipinakita niyang husay at galing sa patimpalak.
Sa Instagram, ibinandera ng Miss World Philippines Organization ang pasasalamat kay Gwendolyne.
“Thank you for representing the Philippines with utmost pride and honor,” caption sa post.
Mensahe pa, “You truly made us proud with your remarkable performance. You are still our winner. Thank you for raising our flag high! [Philippine flag emoji]”
View this post on Instagram
Sa pamamagitan naman ng Instagram Story, inihayag ni Miss World 2022 Top 13 na si Tracy Maureen Perez ang kanyang suporta para kay Gwen.
“I have no words. Please know that we’re all so proud of you and the amount of work you’ve put in especially for your cause, for ERDA Foundation,” wika niya sa post.
Ani pa niya, “Sending all our love [folded hands, blue heart emojis].”
Samantala, ang bagong reyna ng Miss World ay ipinasa sa pambato ng Czech Republic na si Krystyna Pyszková.
Para sa kaalaman ng lahat, ito na ang ikalawang pagkakataon na nakuha ng Czech Republic ang Miss World title.
Ang una nilang panalo ay naiuwi ni Taťána Kuchařová noong 2006.
Si Yasmina Zaytoun ng Lebanon naman ang itinanghal na 1st runner-up na siya ring continental winner para sa Asia and Oceania.
Sa ngayon, nananatiling si Megan Young pa rin ang nag-iisang Pinay candidate na nakasungkit ng Miss World crown noong 2013.
Isa ang Miss World sa elite “Big 4” na mga beauty pageants sa mundo kasama ng Miss Universe, Miss Earth, at Miss International.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.