Han So-hee, Ryu Jun-yeol kumpirmadong ‘currently dating’
KINUMPIRMA na ng Korean actress na si Han So-hee ang real score nila ng Korean actor na si Ryu Jun-yeol.
Ang kanilang relationship status –“currently dating.”
Nilinaw din ng aktres na nagsimula ang pag-iibigan nila ilang buwan matapos ang breakup ng dating magdyowa na sina Jun-yeol at Hyeri.
Magugunita na tumagal ang dating couple ng mahigit na anim na taon bago tuluyang maghiwalay noong November last year.
Samantala, nagsimulang kumalat ang chikang may namamagitan kina So-hee at Jun-yeol nang namataan silang magkasama sa Hawaii noong nakaraang taon.
Baka Bet Mo: Ina ni Lee Ji Han may ‘nakakawasak’ na sulat para sa anak na namatay sa Itaewon Halloween party
At that time, itinanggi agad ng talent agency ng aktres na may namamagitan sa dalawa, habang kinumpirma naman ng agency ng aktor na nasa Hawaii nga ito pero hindi sinagot ang tungkol sa dating rumors.
At recently lamang, mismong si So-hee na ang nagsalita tungkol sa pagkaka-link kay Jun-yeol.
“First, it’s true that we are in a relationship with positive feelings,” sey niya sa isang pahayag na ibinandera sa kanyang personal blog.
Nakiusap din siya na hindi totoong pinagsabay sila ng Korean actor at kasabay nito ay ipinaliwanag niya kung bakit sila nagkita noon sa Hawaii.
“I hope that people will not use the word ‘transfer.’ It’s true that we met through the exhibition, but I went there through a friend who’s a photographer with the goal of viewing the exhibition, and because I’d heard the news that we might be doing a project together, I wound up saying hello,” kwento ni So-hee.
Patuloy niya, “Second, when we exchanged feelings for one another, it was already the beginning of 2024, and his breakup with that person was already wrapped up in early 2023.”
Hindi rin nagtagal ay naglabas na rin ng statement si Jun-yeol at kinumpirma na rin ang relasyon nilang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.