David Archuleta elibs pa rin sa mga Pinoy

David Archuleta elibs pa rin sa mga Pinoy, nagpasampol pa ng OPM song

Pauline del Rosario - March 17, 2024 - 10:00 AM

David Archuleta elibs pa rin sa mga Pinoy, nagpasampol pa ng OPM song

PHOTO: Instagram/@davidarchie

MULING inihayag ng “American Idol” star na si David Archuleta ang kanyang pagkamangha sa mga Pinoy.

Sa isang Instagram post, ibinandera ng Hollywood TV correspondent na si Yong Chavez ang video na nakachikahan niya ang sikat na international singer.

Sey ni David, “Of course, everyone now knows that Filipinos can sing,” at sabay puri rin sa boses ng reporter.

Mapapanood din na nag-sample pa ang international singer at kinanta ang ilang linya ng OPM hit na “Nandito Ako” ni Ogie Alcasid.

Baka Bet Mo: Billy Crawford inaming request ng kanyang ama ang magkabati sila ni Vice Ganda

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yong Chavez (@yongchavez)

Kahit noon pa, vocal na ang American pop singer pagdating sa pag-appreciate niya sa mga Pilipino, lalo na’t may malaki siyang fan base dito sa ating bansa.

“Filipinos love to sing. They’re very supportive of American Idol and pop singers in general,” sey niya sa isang TikTok video noong 2021 habang inaalala ang kanyang masayang experiences dito sa Pilipinas.

Nauna na rin niyang nabanggit na nakaramdam siya ng “instant connection” sa mga Pinoy. 

“I just feel a very special bond with the Filipinos,” sambit niya sa isang media conference noong 2018. 

Paliwanag ng award-winning singer, “I feel like the Filipino people are very sincere. They’re very honest about their emotions and what is important to them.” 

“I feel like I relate a lot to that and so I just always felt that connection with them,” ani pa ni David.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunita na ilang beses nang bumisita sa bansa ang singer para magsagawa ng concerts at magkaroon ng guest appearances.

Tumampok pa nga siya sa local series na “Nandito Ako” noong 2012 at nakapag-release din ng album na pinamagatang “Forevermore,” ang kauna-unahan niyang Original Pilipino Music (OPM) album na lamang ang iba’t-ibang song covers ng Tagalog songs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending