Gelli kay Aiko: Luka-luka 'yan, e! | Bandera

Gelli kay Aiko: Luka-luka ‘yan, e!

|February 08,2012
facebook
share this

Gelli kay Aiko: Luka-luka ‘yan, e!

- February 08, 2012 - 03:32 PM


MATITINDI  ang mga eksenang gagawin ng magkaibigang Gelli de Belen at Aiko Melendez sa bagong teleserye ng TV5 na Nandito Ako na pagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith, David Archuleta at Eula Caballero na eere sa Feb. 20.

Chika ng misis ni Ariel Rivera, nu’ng malaman niya raw na makakasama niya si Aiko sa nasabing teleserye ay na-excite siya dahil matagal-tagal na rin daw na hindi sila nagkakatrabaho.

“Ang tagal-tagal naming hindi nagtatrabaho together.

The last movie I made with Aiko like… 20 years ago? Ay, hindi naman 20 years ago, OA naman ako, 13 years old pa lang ang anak ko.

Siguro 14 to 15 years ago? Ha-hahaha!” pahayag ng TV host-actress.

Ang pelikulang sinasabi ni Gelli ay ang “Mahal Kita Walang Iwanan” ng Regal Films kung saan nakasama nila si Jomari Yllana noong 2002.

Kuwento pa ni Gelli, hindi pa raw nila nagagawa ni Aiko ang ilang grabeng eksena nila sa Nandito Ako kabilang na diyan ang matitindi nilang sampalan, ang mga unang highlights daw kasi ng serye ay tututok kina Jasmine at David.

“Konti pa lang naman yung eksena namin together ni Aiko dahil inuna muna si David.

Eto na, pag-alis ni David, diyan na kukunan yung confrontation namin or away.

“Actually exciting, wala pa lang kasi sa tape kasi hindi pa nakukunan. Hay, dyusko, sa script pa lang… Oh, my God!” nae-excite na chika pa nito.

“Kaya pag sinabi nang ‘Action!,’ tapos na, walang friendship. Siyempre, you’re into your character na. I’m not Gelli, I am Teresa the mother of Jasmine in the story!” chika pa ni Gelli.

Anyway, tungkol naman sa lovelife, si Aiko na lang ang walang permanent partner sa kanyang malalapit na kaibigan, kabilang na nga diyan ang isa pa niyang best friend na si Carmina Villaroel na may Zoren Legaspi na.

May nagko-comment na baka raw na kay Aiko na ang problema dahil lahat nga ng mga lalaking na-involve sa kanya ay nawala na.

“E, luka-luka ‘yan, e!” birong chika ni Gelli about Aiko.

Pero dinepensahan naman niya ang kaibigan, “Ang lalakeng tama para sa akin may not be tama para kay Aiko or kay Carmina.

He can be the best guy, mabait, matalino, mayaman, maalaga, maayos na pamilya.

“Pero that guy, puwedeng bagay siya sa akin, pero hindi siya bagay kay Aiko.

Kasi kanya-kanya tayong personality. Iba-iba ang pag-uugali natin. Kanya-kanya kaming mga topak, e!” nangingiting say pa ni Gelli.

“Actually, kaya ko nga siya tinutulungan na ano… kasi impulsive, very impulsive si Aiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

As she’s getting older, medyo bumi-behave na siya ng konti. Kailangan mo lang i-guide,” pag-amin ni Gelli.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending