Richard proud na proud sa back-to-back win ni Juliana sa UAAP

Richard proud na proud sa back-to-back win ni Juliana sa UAAP

Pauline del Rosario - March 17, 2024 - 09:29 AM

Richard proud na proud sa back-to-back win ni Juliana sa UAAP

PHOTO: Instagram/@richardgomezph

PLINEX ng actor-politician na si Richard Gomez ang bagong achievement ng kanyang anak na si Juliana.

Nadepensahan kasi ng dalaga ang pagiging kampeon sa epee fencing sa women category ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) bilang kinatawan ng University of the Philippines (UP).

Para sa kaalaman ng marami, may tatlong klase ng armas ang ginagamit sa kompetisyon ng fencing – ito ang foil, sabre at epee.

Ang epee na sinalihan ni Juliana ay ang “largest and heaviest weapon” sa mga nabanggit.

Sa Instagram, ibinandera ni Richard ang winning moment ng kanyang anak matapos ang laban.

Caption niya, “Congratulations @gomezjuliana for a wonderful performance at the uaap and for winning back to back for Epee fencing for UP!!!”

Baka Bet Mo: Awra Briguela ‘natrauma’ sa naging experience sa panonood ng UAAP Women’s Volleyball

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezph)

May nakakaantig naman na komento ang anak nila ng Ormoc City Mayor na si Lucy Torres, “Thank you dad! [red heart emoji] That was for you and mom!”

 Sa comment section, makikita na maraming bigating celebrities at personalidad ang napabilib ni Juliana at nagpaabot ng kanilang “congratulatory” messages.

Kabilang na riyan sina Ogie Alcasid, Rambo Nunez, Marjorie Barretto, Noel Ferrer, Sylvia Sanchez, Christine Babao, Aga Muhlach, at marami pang iba. 

Kung maaalala last year, proud na inihayag ni Juliana ang pagiging supportive ng kanyang ama, lalo na pagdating sa kanyang sports. 

Ibinahagi pa ng dalaga sa dating post ang ilang litrato nilang mag-ama, pati na rin ang ilang screenshots ng mga mensahe sa kanya ni Richard sa tuwing siya ay may kompetisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaan na taong 2005 nang maging gold medalist sa fencing ang aktor sa Southeast Asian Games. 

Bukod diyan, dati rin siyang presidente ng Philippine Fencing Association (PFA) noong 2016 at 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending