Pokwang gustong maging ehemplo sa mga anak kaya lumalaban

Pokwang gustong maging ehemplo sa mga anak kaya lumalaban

Therese Arceo |March 16,2024
facebook
share this

Pokwang gustong maging ehemplo sa mga anak kaya lumalaban

Therese Arceo - March 16, 2024 - 07:03 PM

Pokwang gustong maging ehemplo sa mga anak kaya lumalaban

Pokwang

NAGING bukas ang Kapuso actress at comedienne na si Pokwang sa kanyang pinagdadaanan sa buhay.

Sa kanyang panayam kay Aiko Melendez na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay nagbahagi ito ng kanyang saloobin lalo na’t ngayong buwan ipinagdaraos ang Women’s Month.

Para kay Pokwang, tapos na raw ang panahon na ang mga babae ay walang say sa buhay sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit niya ipinaglalaban ang mga anak.

“Kanina sinabi ko nga na ang mga anak natin ay walang paghuhugutan ng lakas kung hindi tayo rin. Tsaka alam mo ‘yung karapatan mo e, bilang tao, bilang babae. Dapat ipaglaban natin ‘yan kasi kawawa ‘yung mga anak natin kapag tayo mismo ay lalamya lamya,” saad ni Pokwang.

Pagpapatuloy pa niya, “Tama na ‘yung panahon na ang babae dapat nasa sulok lang. Tapos na ‘yun. Tama na ‘yung dapat nagluluto lang, naglalaba lang, nanganganak lang. Tapos na ‘yang stereotype na ‘yan.

Baka Bet Mo: Isko kukunin sa TiktoClock ng GMA para makasama sina Pokwang at Kuya Kim?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nais namang ipaintindi ni Pokwang sa mga patuloy na nami-misunderstood siya.

“Gusto kong ipaintindi sa inyo ay lumalaban ako hindi para sa sarili ko, hindi dahil sa bitter ako, lumalaban ako sa karapatan ng mga anak ko. Dahil ayokong mawala sa mundo na balang araw, susumbatan ako ng mga anak ko […] At least mawala man ako sa mundong ito, lumaban ako nang patas.”

Isa pa sa rason ay puro mga babae ang mga anak ni Pokwang kaya nais niyang maging ehemplo sa mga ito.

Nagbigay mensahe rin siya sa mga taong patuloy siyang sinasabihan na dapat mag-move on na lang sa mga nangyari.

“Ang moving on ay hindi po ngayon, bukas, makalawa, wala na,” sey ni Pokwang.

“Hindi minamadali, it’s a process,” sundot naman ni Aiko.

“Hindi pwedeng lahat ng pinagdaraanan natin pare-parehas. May proseso,” dagdag pa ni Pokwang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang hanggang ngayon ay may hindi pa rin pagkakasundo ang Kapuso comedienne sa dati nitong partner na si Lee O’Brian.

Inamin ni Pokwang na sa tagal ng kanilang relasyon ay hindi niya naramdaman na minahal siya nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending