Pokwang sa nang-aapak ng kapwa babae: Mas pinatapang n’yo ang kagaya ko
PINUSUAN at ni-like ng mga netizens ang mensahe ni Pokwang para sa selebrasyon ng International Women’s Month ngayong March.
Binati ng Kapuso host-comedienne ang lahat ng kababaihan all over the universe bilang pagpupugay sa lahat ng naiambag at dinalang karangalan ng bawat babae sa mundo.
Idinaan ni Pokey sa kanyang Instagram account ang kanyang mensahe sa pakikibahagi sa buwan ng mga kababaihan.
Nag-post siya ng isang video kung saan mapapanood ang 65-year-old American singer-songwriter at tinaguriang Queen of Pop na si Madonna na naglilitanya tungkol sa kanyang pagiging babae.
Baka Bet Mo: Sharon pinakilig ang fans sa birthday greeting niya kay Aga: ‘Love you always!’
Narito ang caption na inilagay ni Pokwang sa kanyang IG post, “Happy women’s month sa mga babaeng may tapang, paninindigan, lumalaban para sa kanilang karapatan, lumalaban lalo na para sa karapatan ng mga anak.
View this post on Instagram
“Mabuhay kayo naway pagpalain kayo ng Panginoon at gabayan sa inyong mga buhay araw araw.
“Sa nagmamatapang lang para ibaba at apakan ang kapwa babae salamat sa inyo dahil mas pinatapang nyo ang mga kagaya ko.
“Gabayan ninyo ang mga anak nyong babae at pakaingatan na wag silang saktan at maituro nyo nawa ang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang babae, God bless you all,” ang buong mensahe ni Pokey.
Baka Bet Mo: ‘Bakuna’ photo ni Maine pinusuan ng netizens: Do your part and get vaccinated, friends!
Sunud-sunod naman ang comments ng mga IG followers ng komedyana sa kanyang women’s month hugot. Narito ang ilan.
“Hello my dear you deserve everything that’s coming your way I’m so proud of you 2024 is an amazing year for you please continue to do whatever makes you happy love you.”
“I feel you po Madam! Stay strong!”
“Happy Womens Month to us!”
“Gogogogo energetic super mom!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.