'Bakuna' photo ni Maine pinusuan ng netizens: Do your part and get vaccinated, friends! | Bandera

‘Bakuna’ photo ni Maine pinusuan ng netizens: Do your part and get vaccinated, friends!

Ervin Santiago |June 21,2021
facebook
share this

‘Bakuna’ photo ni Maine pinusuan ng netizens: Do your part and get vaccinated, friends!

Ervin Santiago - June 21, 2021 - 07:23 PM

PINUSUAN at ni-like ng libu-libong netizens ang “bakuna” photo ng Phenomenal Star at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Ipinost ng “Eat Bulaga” Dabarkads sa kanyang Instagram account ang tatlong litrato na kuha sa isang vaccination site sa Mandaluyong.

First dose ng COVID-19 vaccine ang tinanggap ng Kapuso actress-TV host kay sa isang photo na ibinahagi niya sa IG ay makikita na kinakabahan ang dalaga habang tinuturukan ng karayom.

“Got my first dose! Thank you, MandaVax!” bahagi ng caption ni Maine sa kanyang IG post.

Kasunod nito, nanawagan din ang dalaga sa mga Dabarkads at sa lahat ng Filipino na huwag nang mag-atubiling magpabakuna ng anti-COVID vaccine kapag nabigyan ng pagkakataon. 

“Do your part and get vaccinated, friends!” paalala pa ni Maine sa publiko.

Ngayong araw din nagpabakuna ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, pati na ang Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ang TV host at komedyanang si Eugene Domingo.

In fairness, parami na nang parami ang mga celebrities na nagpapabakuna kontra COVID, kabilang na riyan ang mga mag-asawang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes; Regine Velasquez at Ogie Alcasid; Iya Villania at Drew Arellano; Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, pati na ang mga anak nilang sina Andres at Atasha. 

Bakunado na rin sina Kim Chiu, Jak Roberto, Barbie Forteza, Ruru Madrid, Bianca Umali, Jane Oineza, RK Bagatsing, Maris Racal, Rico Blanco, Aiko Melendez, Gretchen Barretto, JM de Guzman at marami pang iba.

Ang iba naman ay nagpabakuna pa sa ibang bansa tulad nina Sharon Cuneta, Ai Ai delas Alas at asawang si Gerald Sibayan, at sina Isabelle Daza at Adrien Semblat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending