Karylle, Sarah, Iza 'fangirl mode' kay Janet Jackson

Karylle, Sarah, Iza ‘fangirl mode’ kay Janet Jackson, ibinandera ang groupie

Pauline del Rosario - March 15, 2024 - 01:59 PM

Karylle, Sarah, Iza 'fangirl mode' kay Janet Jackson, ibinandera ang groupie

PHOTO: Instagram/@anakarylle

NAPA-WOW ang marami sa recent social media post ng TV host-actress na si Karylle Padilla.

Ito ay matapos niyang ibandera sa Instagram ang isang groupie picture kasama ang global pop icon na si Janet Jackson, pati na rin ang fellow Pinay celebrities na sina Sarah Geronimo at Iza Calzado.

Ang caption pa nga niya riyan, “The best things in life are free. Salamat, Miss Jackson!”

Ang litrato ay kuha sa naging concert ni Janet sa Manila noong March 13.

Napatanong naman ang batikang singer na si Martin Nievera sa post ng “It’s Showtime” host kung paano sila nakapagpa-picture sa international singer.

Baka Bet Mo: Matteo, Sarah ginagamit ng sindikato sa socmed: Big SCAM…mag-ingat! 

“How did you get back there,” tanong ni Martin.

Reply naman sa kanya ni Karylle, “I danced as much as I could, had the best time and somehow found my way backstage!!!! I can’t believe it Ninong! I even made her giggle ahhhhh! Great great show!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Karylle (@anakarylle)

Mababasa rin sa comment section na tila marami ang napa-sana all sa IG post ni Karylle.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“ICONIC!!! Kainggit naman! [red heart emojis]”

“Wow Janet Jackson! [fire emoji]”

“Wow wow wow!!! [blue heart emojis] dream come true”

“O M Geeeeeeee. She is my forever idol growing up! Memorized all of her choreography”

Maliban sa tatlong artista, spotted din na enjoy na enjoy sa front seat row ng nasabing concert ang celebrity couple na sina Vicki Belo and Hayden Kho, pati na rin ang komedyana na si Vice Ganda, ang internet star na si Small Laude at ang mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli.

Si Janet ang ika-sampu at bunsong kapatid ng iconic pop singer na si Michael Jackson.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakabisita ng Pilipinas si Janet – ang huli niya ay noon pang 2011.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahigit apat na dekada na sa music industry ang international singer.

Bukod sa binasag niya ang gender and racial barriers sa pamamagitan ng kanta, siya ang may hawak ng titulong “most consecutive top ten entries” sa US Billboard Hot 100 singles chart by a female artist.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending