Audition sa The Voice Kids aariba na; Beauty Gonzalez nagpaka-action star
TRULY exciting ang 2024 para sa Kapuso viewers dahil muling babalik sa TV screens ang iconic singing competition na “The Voice Kids.”
Para sa mga Pinoy kids na may special talent for singing, ito na ang chance na mapabilang sa show at ipamalas ang kanilang galing sa pagkanta.
Open ang auditions para sa kids aged 7 to 14 years old. Pumunta lamang sa GMA Network Studio 6 mula 9 a.m. to 4 p.m. sa alinman sa mga sumusunod na audition dates: March 23, April 13, April 27, May 11, May 25, at June 8.
Baka Bet Mo: Andrea walang balak magdyowa uli ngayong 2024, palaging nasa simbahan
Huwag palampasin ang chance na ito! For more information, bisitahin ang official social media platforms ng GMA Network.
* * *
No dull moments talaga ang action-comedy series nina Titanic Action Star Sen. Bong Revilla at Kapuso actress Beauty Gonzalez.
Ito’y dahil sa kabi-kabilang action scenes na handog ng programang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” sa viewers nito.
Sa isang recent episode, marami ang humanga sa mala-Manny Pacquiao na kamao ni Sen. Bong na nagpapatumba ng mga sindikatong tinangkang i-kidnap ang police partner niyang si Elize (Max Collins).
View this post on Instagram
Hindi naman nagpahuli si Beauty sa pagpapakita ng kanyang sariling action moves. Talagang nagpaka-action din star ang aktres at hindi nagpatalbog kay Sen. Bong.
Ibinida ng karakter niyang si Gloria na kayang-kaya niyang makipagsabayan sa action-packed scenes at nagpatumba pa nga ng mga kalaban.
Ibang level talaga ang mga action at fight scenes sa programa. Matatandaang sa pilot episode ng serye ay apat na kotse agad ang pinasabog sa isang eksena lang.
Subaybayan ang mga exciting moments na ito and more sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2” tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.