Jaclyn nagparamdam sa kaibigan sa pamamagitan ng paru-paro

Jaclyn Jose nagparamdam sa kaibigan sa pamamagitan ng paruparo

Ervin Santiago |March 12,2024
facebook
share this

Jaclyn Jose nagparamdam sa kaibigan sa pamamagitan ng paruparo

Ervin Santiago - March 12, 2024 - 06:00 AM

Jaclyn Jose nagparamdam sa kaibigan sa pamamagitan ng paru-paro

Jaclyn Jose

MARIING pinabulaanan ng malapit na kaibigan ni Jaclyn Jose na si Jo Macasa ang balitang namatay ang aktres na malungkot at may mga dinaramdam.

Ayon kay Jo, hindi totoo ang kumakalat na chika na sumakabilang-buhay ang award-wining actress na mabigat ang kalooban dahil kabaligtaran ito ng lahat ng kanyang nalalaman.

“I just wanna clarify also contrary to what people or some people are insinuating na ang lungkot niya, she was not. That phone call ang saya-saya niya,” ang pahayag ng close friend ni Jaclyn sa ulat ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Celeste ‘ready’ nang ipasa ang korona ng Miss Universe PH: This butterfly is ready to spread her wings…

Dagdag pa ng direktor,  “She’s very perky, very lively. She was telling me, ‘Uy ang dami kong offers.’ So hindi totoo na parang ang lungkot niya. Hindi totoo ‘yun.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Paglalarawan pa ni Jo sa namayapang ina ni Andi Eigenmann, “Maalaga talaga siya. May instance sa set na I was AD (assistant director) napunit shirt ko.

“Sabi niya, hubarin mo ‘yan, tatahiin ko. Siya talaga, kinamay niya. Nanay talaga siya kaya most of the people na nakakatrabaho niya they call her nanay, mommy. She loves taking care of people,” sey pa niya.

Sa isang Facebook post ni Jo, ibinahagi niya ang naging conversation nila ni Jaclyn bago siya namatay noong March 2. May plano silang mag-movie date pero hindi na nga nakasipot ang aktres.

Baka Bet Mo: Joel Lamangan bumilib kina Albie, Kit at Christine: Lahat sila professional!

“Feb. 29 nagyayaya siya manood ng movie, tumawag siya. After that call, sabi ko ba-bye na kasi ako magbo-book ng ticket baka mawalan tayo ng kasi limited lang ‘yung capacity. I’ll book first.

“Sabi niya piliin mo sa gitna. I booked the tickets. Around 6 in the evening of Saturday, sabi ko see you tomorrow. The next day walang sagot. There were all these possibilities in my head but death was not one of them,” pag-alala ni Jo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, last Sunday, March 10, sa inurnment ni Jaclyn, naramdaman daw niya ang presence ng kaibigan sa pamamagitan ng isang butterfly.

Dalawang beses daw niya itong nakita at naniniwala si Jo na yun ang ginamit ni Jaclyn para iparamdam ang kanyang pagmamahal hanggang sa kabilang buhay.

“Ang pinakamagandang nangyari doon is when we had to let go of the butterflies ‘yun ‘yung isang ceremony talaga na nakatulong.

“I’ll speak for myself, saying I love you and letting go of the butterflies. Namimigay sila ng small packet with a butterfly inside then sabay-sabay papakawalan.

“For some reason when I opened mine, ayaw lumipad nu’ng butterfly ko. So, sabi ng coordinator, hipan niyo po, natutulog lang. May kumalabit sa likod ko, sabi may butterfly sa likod ko, so tinapik ko. Lumipad naman siya and then dumapo naman sa akin.

“Kinuha ko ‘yung butterfly and released it and then after the ceremony, we were all saying goodbye na may humabol na naman sa akin.

“Sabi, ‘Ate ‘yung butterfly sa likod mo.’ And then, I don’t know if all the butterflies are the same color pero pagkuha ko it looked like the same butterfly na dumapo sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko, ‘Ay! Siya pa rin ‘to. I wanna believe it was her. I find comfort in thinking na siya ‘yun. Masarap isipin na sana nga siya ‘yun,” ang pagbabahagi pa ng kaibigan ni Jaclyn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending