Ariana Grande: ‘Please don’t send hateful messages to people in my life’
MATAPOS ilabas ang latest album na “Eternal Sunshine,” may pakiusap ang international pop singer na si Ariana Grande sa kanyang fans.
Nakarating kasi sa kanya na may mga nagpadala o nag-send ng mapopoot na mensahe sa dati niyang mister na si Dalton Gomez, na siyang pinaniniwalaang tinutukoy sa hugot album ni Ariana.
Panawagan tuloy ng popstar, tigilan na ang “hateful messages” sa mga taong naging parte ng kanyang bhay dahil hindi ganito ang gusto niyang pagsuporta.
“I just wanted to say anyone that is sending hateful messages to the people in my life based on your interpretation of this album is not supporting me and is absolutely doing the polar opposite of what I would ever encourage (and is also entirely misinterpreting the intention behind the music),” caption ni Ariana sa kanyang Instagram Story.
Sey pa niya, “I ask that you please do not.”
“It is not how to support me. It is the opposite,” giit ng singer.
Baka Bet Mo: Ariana Grande ‘dream come true’ ang bonggang collab with Mariah Carey
Inamin ng international singer na tungkol sa masasakit na nakaraan ang nilalaman ng kanyang album, ngunit tungkol din daw ito sa pag-ibig.
“Although this album captures a lot of painful moments, it also is woven together with a through line of deep, sincere love,” sambit niya sa post.
Mensahe pa niya, “If you cannot hear that, please listen more closely. Thank you.”
Kung maaalala, taong 2020 nang mag-umpisang mag-date ang dating mag-asawa.
Kinasal sila noong 2021 na ginanap sa bahay ni Ariana sa Southern California.
Base sa report ng ilang American media outlets, ang singer mismo ang nag-file ng divorce.
Matapos ang opisyal na hiwalayan, si Ariana ay nali-link ngayon sa co-star niya sa upcoming movie na “Wicked” na si Ethan Slater.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.