Kim, Paulo parang mag-asawa na sa taping ng bago nilang serye

Kim, Paulo parang mag-asawa sa taping ng What’s Wrong With Secretary Kim

Reggee Bonoan |March 11,2024
facebook
share this

Kim, Paulo parang mag-asawa sa taping ng What’s Wrong With Secretary Kim

Reggee Bonoan - March 11, 2024 - 09:42 AM

Kim, Paulo parang mag-asawa sa taping ng What's Wrong With Secretary Kim

Paulo Avelino at Kim Chiu

SA NAKARAANG mediacon ng Pinoy adaptation ng Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim” ay sinabi ni Pepe Herrera na kinikilig silang lahat  kina Paulo Avelino at Kim Chiu.

“Kung lolokohin nila kaming matagal na silang magkasintahan (ay) maniniwala kami,” diretsong sabi ni Pepe sa harap ng entertainment media at iba pang nanood sa presscon na ginanap sa Araneta City sa Cubao nitong nagdaang Sabado.

Nagpaunlak pa ng awitin si Pepe mula sa Parokya ni Edgar na may titulong “Halaga” na aniya’y bagay na bagay daw sa lead stars ng “What’s Wrong With Secretary Kim.”

Baka Bet Mo: Xian Lim mas kinikilig kapag tinatawag na ‘Direk’ kesa ‘aktor’: Yun kasi talaga ang gusto kong gawin ever since nagsimula ako

Aniya, “Feeling ko isa ito sa kanta ni VMC (karakter ni Paulo sa serye) para kay Secretary Kim (at) in real life. Ito sa totoo lang ha, hindi naman ito secret kinikilig talaga kami sa kanila, kay Paulo at saka kay Kim.”

Hiyawan ang mga nasa mediacon at napapangiti naman ang tambalang KimPau sa kuwento ni Pepe.

Dagdag pa ni Pepe, “Actually para silang mag-asawa sa set, sobrang comfortable nila sa isa’t isa.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sinabihan na ni Kim si Pepe na kumanta na dahil baka nga naman kung ano pa ang maidaldal ng kaibigan nila sa audience.

“Ay kanta na ako? Sige kakanta na,” sambit ni Pepe at sabay kanta nga ng awitin ng Parokya ni Edgar.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa Pinoy version ng hit K-drama ‘What’s Wrong With Secretary Kim?’, aprub ba sa mga fans?

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay pinakikinggan namin ang nasabing awitin at ang kuwento pala ay tungkol sa boyfriend na binalewala niya ang girlfriend kaya’t laging umiiyak ang gurl.

Marahil ay nakita ni Paulo si Kim na namumroblema noon sa ex-boyfriend nitong si Xian Lim at panay ang iyak nito dahil ayon sa lyrics na hindi kinanta ni Pepe, “Umiiyak ka na naman Langya talaga, wala ka bang ibang alam Namumugtong mga mata Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa.”

Ang bahagi ng kantang inawit ng aktor ay ang, “Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang nakitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga.”

Hiyawan ang lahat nang ilagay ni Pepe ang kamay ni Paulo sa kamay ni Kim, sabay hirit nito kay Paulo, “Pero siya alam niya ang halaga (mo).”

Nagkatawanan na lang sina Paulo at Kim sa pasabog ng kaibigan nila.

Base sa nakita naming reaksyon nina Paulo at Kim ay puwedeng gusto nila ang isa’t isa pero hindi nila minamadali kung anuman ang mayroon sa kanila ngayon.

Sabi nga ni Pepe, masyadong kumportable ang dalawa sa isa’t isa at para silang mag-asawa sa set at maniniwala sila kapag inamin ng KimPau na magkasintahan na sila.

Anyway, abangan ang “What’s Wrong With Secretary Kim sa Viu Philippines simula sa Marso 18 mula sa direksyon ni Chad Vidanes handog ng ABS-CBN Studios, Viu at Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama ng KimPau sa serye sina Janice de Belen, Janice de Belen, Angeline Quinto, Romnick Sarmenta, Gillian Vicencio, Yves Flores, JC Alcantara, Cai Cortez, Jake Cuenca at ang Korean actor-singer na si Kim Won-shik.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending