Payo ng lola ni Marian: ‘Wag ka magtatanim ng sama ng loob sa pamilya
HANGGANG ngayon ay baon-baon pa rin ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang mga paalala ng pinakamamahal niyang Lola Iska.
Isa sa mga inspirasyon ni Marian sa pag-abot sa kanyang mga pangarap sa buhay ay si Lola Iska na 95 years old na ngayon na siya ring nagsilbing gabay upang maging mabuting tao.
“Sa lahat ng motto ko yata sa buhay sa kanya nanggaling. Uumpisahin ko ‘yan sa parents.
“Palagi niya sinasabi sa akin way, way back huwag ka magtatanim ng sama ng loob sa pamilya mo or sa magulang mo. Because, you will never be successful kapag may galit ka sa parents mo,” ang pahayag ni Marian sa panayam ng GMA.
Naaalala rin niya ang naging advice sa kanya ng kanyang lola tungkol sa nangyari sa mga parents niyang sina Amalia at Javier Gracia Alonso – na ipaubaya na ang lahat kay Lord.
“’Kung anuman ang nangyari sa Mama mo at Papa mo, i-let go mo ‘yan. Ibigay mo na lang sa Taas ‘yan.’
View this post on Instagram
“Number two, ‘Kahit ano’ng mangyari sa ‘yo huwag ka makakalimot sa mga tao na tumulong sa’yo.’
“Last, ‘As long as ginagawa mo nang tama ang mga bagay-bagay at wala ka tinatapakan, pagpapalain ka ng Panginoon,’” pagbabahagi pa ng Kapuso superstar.
Baka Bet Mo: Beauty binigyan ng tip ni Dingdong para iwas-pressure: Sobrang bait niyang tao, hindi siya mayabang
Samantala, abangers na ang mga fans ni Yanyan sa pagbabalik niya sa primetime ngayong taon. Muli siyang bibida sa upcoming GMA series na “My Guardian Alien.”
Makakatambal niya sa programa si Gabby Concepcion with Max Collins, Raphael Landicho at marami pang iba.
“Gusto ko talaga ihatid ‘yung kuwento ni Katherine (karakter niya sa serye), ‘yung ito nan ga My Guardian Alien, so gusto ko ihatid ‘yan sa kanila.
“Good news ‘to na pang sa inyo mga bata, kasama ang pamilya n’yo. Kasi, ang ganda kasi may mapupulot kang aral,” sey pa ni Marian sa nasabing interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.