'Oldest Pinoy' Lola Francisca Susano pumanaw na sa edad 124 | Bandera

‘Oldest Pinoy’ Lola Francisca Susano pumanaw na sa edad 124

Therese Arceo - November 23, 2021 - 07:22 PM

Lola Iska Susano pumanaw na sa edad 124

PUMANAW na ang tinaguriang “Oldest Pinoy na si Lola Francisca Susano o mas kilala bilang Lola Iska sa edad na 124.

Ito ay kinumpirma ng City Government of Kabankalan sa kanilang Facebook page.

“It is with sadness in our heart when we received the news that our beloved Lola Francisca Susano passed away early this Monday evening November 22.”

Si Lola Iska ang pinakamatandang mamamayan sa Negros Occidental maging sa buong bansa.

Nagkaroon ng 14 na anak si Lola Iska kung saan isa rin sa mga anak niya ang umabot na rin sa edad 101.

Kuwento ng pamilya ni Lola Iska, maaaring ang madalas na pagkain ng gulay ang naging dahilan kung bakit mahaba ang kanilang mga buhay.

Sa sobrang haba ng buhay ni Lola Iska ay inabit pa nito ang kauna-unahang presidente ng bansa na si Emilio Aguinaldo.

Matatandaang noong Setyembre 11 ay ipinagdiwang nito ang kanyang ika-124th birthday.

Sa ngayon ay bineberipika pa ng Guinness World Records ang mga dokumento upang itanghal si Lola Iska bilang “oldest person in the world”. Nangako naman ang gobyerno na tutulungan nito ang pamilya para ma-recognize si Lola Iska at tanghaling pinakamatandang tao na nabuhay sa buong mundo.

Sa kasalukuyan kasi ay hawak ni Jeanne Louide Calment mula sa France ang titulo na may edad na 122.

View this post on Instagram

A post shared by Inquirer (@inquirerdotnet)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending