Hirit ni Kim kay Paulo: Ano ba ‘yung love? Nakalimutan ko na!

Hirit ni Kim kay Paulo: Ano ba 'yung love? Nakalimutan ko na!

Paulo Avelino at Kim Chiu

HIRAP na hirap si Kim Chiu na sagutin ang tanong kung ano ba ang mga “unusual thing” na nagawa niya sa ngalan ng pag-ibig.

Humarap si Kim kasama ang leading man niyang si Paulo Avelino sa members ng entertainment media para sa presscon ng bago nilang serye sa ABS-CBN, ang Pinoy version ng hit K-drama series na “What’s Wrong With Secretary Kim“.

Naganap ito kahapon sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City kung saan naki-join din sa kanila ang iba pang members ng cast.


Dito nga natanong sina Kim at Paulo kung ano ang mga kakaibang bagay na nagawa nila dahil sa sobrang pagmamahal.

Baka Bet Mo: Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin?

“Puwedeng ano, call a friend? Ha-hahaha! Siya na muna ang sasagot si Sarah (sabay turo sa co-star nilang si Angeline Quinto).

“Ang hirap naman. Ano ba ‘yung love? Nakalimutan ko na, eh!” ang natatawa pa ring sey ni Kim na bumaling naman ng tingin kay Paulo sabay dialogue ng, “Ipapaalala mo ba?”

Sa punting ito, si Paulo muna ang sumagot at sinabing ang pagpapahalaga niya kay Kim bilang kaibigan at katrabaho ang isa sa dahilan kung bakit pumayag siyang makasama uli ang dalaga sa isang romcom series after nilang gawin ang “Linlang.”

“Siguro ano, ito, itong ‘Secretary Kim’. Dahil sa pagmamahal ko bilang ka-trabaho ka, at sa trabahong ibinigay mo sa ‘Linlang’ so, pangbawi sa ‘yo. So I’m here at Secretary Kim to give back,” sabi ng aktor.

Sey naman ni Kimmy, “Sobrang funny siya dito, sobrang funny siya dito, hindi na siya si Paolo Avelino.”


“Teka lang pagmamahal ‘yung pinag-uusapan bakit mo tsini-change topic?” hirit ni Paulo sa kanyang leading lady. Na sinagot ni Kim ng, “Siyempre pinupuri kita.”

“I think if it was offered to me and if it wasn’t Kim, I would probably have second thoughts,” sabi naman ni Pau.

Baka Bet Mo: Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective

Kasunod nito, bigla nang nagseryoso ang bungisngis na si Kim. Aniya, ang pagpapahalaga at pagbibigay din ng panahon sa pamilya at mga kaibigan ang isa sa mga ginagawa niya para ipakita ang kanyang pagmamahal.

“Sobrang giving ko talaga na tao, parang ayokong nale-left out or nao-OP (out of P
place) or something. I always give as long as I can give, kasi wala namang mawawala sa akin kung magbibigay ako e’, parang siguro hindi ko alam kasi ‘yung sagot niya nalito tuloy ako.

“Pero unusual na bagay? Siguro marami ka namang magagawang unusual kapag nagmahal ka, parang hindi na ‘yun unusual sa ‘yo parang normal na sa’yo ‘yun kapag andon ‘yung love so hanggang doon na lang muna,” paliwanag ni Kim.

Anyway, mapapanood na ang “What’s Wrong With Secretary Kim” simula sa March 18 sa streaming app na Viu. Ito’y mula sa ABS-CBN Studios at Dreamscape Entertainment.

Kasama rin dito sina Jake Cuenca, Janice de Belen, Angeline Quinto, Romnick Sarmenta, Gillian Vicencio, Yves Flores, JC Alcantara, Cai Cortez, ang South Korean actor-singer na si Kim Won-shik at marami pang iba. Ito’y mula sa direksyon ni Chad Vidanes.

Read more...