MINASAMA at nilagyan ng malisya ang naging pahayag ni Rita Avila na may konek sa pagkamatay ni Jaclyn Jose at sa mga naulila niyang mga anak.
Ibinahagi kasi ng seasoned actress ang naging usapan nila ng kanyang anak-anakan na si Kate Cruz tungkol sa biglaang pagpanaw ng kanyang kaibigan at award-winning actress.
Ayon kay Rita, nag-alala raw kasi sa kanya ni Kate mang mabalitaang pumanaw na si Jaclyn. Parehong 60 years old sina Rita at Jaclyn.
Post ni Rita sa kanyang Instagram page, “Ang kulit ko kasi. Nagwoworry mashado c Kate sa akin.
Baka Bet Mo: Beatrice Gomez, Kate Jagdon hiwalay na nga ba?
“Nung nawala c Jaclyn, umiyak sha dahil halos magka-edad daw kami. Natakot sha; sana daw wag muna ako mawala kaya wag na akong makulit sa healthcare.
“Dinamayan sha ni dog Jophiel,” aniya pa.
Todo raw ang pasasalamat ni Rita dahil meron siyang anak-anakan na nakakasama at nag-aalala sa kanyang kalusugan kahit hindi talaga sila magkaanu-ano.
“Salamat sa Diyos Ama na may Kate ako. Sana si Jaclyn din ano, may kasama? (Para may companion sha; a friend, anak-anakan, relative).
“Her children are already adults who naturally have their own lives. Walang mali doon. Wishful thinking na lang ito para sa kaibigan kasi mas masaya talaga ang may kasama at baka sana naligtas pa sha.
“I felt how lonely she was. Pero iba ang mga kapalaran natin. Iba ang plano ng Diyos sa atin.
“Salamat Kate, anak, sa tunay na pagmamalasakit at pagmamahal.
“At tunay na mga tao kayo ni Jaclyn. Pareho kayong trophies sa buhay ko, Cannes talaga ang level.
“Ayoko ng ang award ay Can(good) lang. Ayoko ng pekeng tao. Ayoko ng akala mo ay sino,” aniya pa gamit ang hashtah na #motheranddaughter, #beingreal at #authentic.
Kasunod nito, nakatikim na nga ng batikos si Rita mula sa netizens dahil feeling nila, patama ito sa mga anak ni Jaclyn dahil wala nga ang mga ito nang mamatay ang aktres.
Marami ang nagkomento na hindi ito ang tamang oras para magparinig at mangnega ang aktres dahil nagluluksa pa ang pamilya ni Jaclyn.
Baka Bet Mo: Kate inatake ng nerbiyos habang kaeksena si Khalil bilang magdyowa sa ‘Love On Air’
Hindi naman ito pinalampas ni Rita at talagang sinagot ang isyu, sa kanyang Instagram account. Binengga ng aktres ang mga epal na bashers.
“Tulad ngayon, ang daming kuro-kuro. ‘Sana kasi ganito ang ginawa.’ ‘Dapat kasi ganyan ang ginawa.’ ‘Bakit naman kasi ginanu’n.’
“Kasama ka ba nila sa bahay mula ng isinilang ang mga anak ni Jaclyn Jose? Naranasan mo bang pumasok sa isip at katawan nila kaya alam mo ang tinahak ng bawat isa sa kanila? Nasa lugar ka ba para kwestyonin at ipa-guilty pa ang mga naiwan?
“I-REST IN PEACE NA MUNA PO ANG ISIP AT BIBIG kung walang buti ang idudulot nyo sa mga naiwan.
“MASAKIT NA PO MASHADO ANG NANGYARI SA KANILA. Hinay-hinay po.
“Hindi lahat ng nababasa o nakikita nyo ay totoo. Marami ang nasisilaw. Marami ang makakapal. Parang totoo pero hindi.
“Ipagdasal na lang natin si Jaclyn at ang kanyang pamilya,” ang pakiusap ng aktres.
Ipinagdiinan niya na mabuti ang intensiyon niya sa kanyang post at huwag nang lagyan ng malisya.
“Sa isang post ko na ang wishful thinking ko ay sana may ‘KATE’ din si Jaclyn, mabuting wish un para sa isang naging kaibigan dahil malungkot nga daw sha sa pagiging mag-isa at dahil alam ko ang advantage ng may kasamang nagmamahal, nag-aasikaso at nagpapasaya sa akin.
“PERO HINDI KO KWINESTYON ANG SITWASYON NYA. WALANG KINALAMAN UN SA MGA ANAK NYA. I TRUST HER AND HER CHILDREN FOR ALL THEIR DECISIONS.
“(May koneksyon ito sa sinundang post ko),” sabi pa ni Rita kalakip ang mga litrato ni Jaclyn kasama ang mga anak na sina Andi Eigenmann (naninirahan na sa Siargao) at Gwen Guck (nag-aaral sa Amerika).
Hindi pa rito natapos ang pagresbak ni Rita sa haters, muli siyang nagsalita sa comments section ng kanyang IG post, “Malinaw naman na ako ay nagpapasalamat dito sa post ko. At sinasabi kong trophies ko sina Jaclyn at Kate for being true.
“Wishful thinking for a friend na sana may kasama sha kasi alam ko mas sasaya sana sha. Accdg to her interviews, sad at lonely sha. WALANG PATAMA SA MGA ANAK NYA DAHIL ALAM KO NAMAN ANG BUHAY NILA. Wala pong koneksyon sa kanila ang post ko.
“MALISYOSA, WALANG ALAM, MAHILIG LANG MAKIALAM ang makakapag-isip ng marumi na gagawin pa akong masama. Sabagay, pag maraming mabuti, may sisingit na masama. Pag maraming malinis, may sisingit na dumi. Pag marami ang nasa liwanag, may sisingit na dilim.”
“SALAMAT DAHIL MAS MARAMI ANG NASA LIWANAG.”
Patuloy pa niya, “Blocked na po ung dalawang di nakaunawa sa post ko kasi sumagot pa rin ng d maganda sa maayos kong reply. I dont need people in the dark.
“To those in the light, pls stay. The world that is getting darker and darker needs u!!!”
Ngayong araw, March 10, ang inurnment sa labi ni Jaclyn sa The Garden of the Divine Word Columbary, sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.