KAARAWAN ng seasoned Kapuso actor na si Gabby Eigenmann noong March 2 na siya ring araw ng kamatayan ng movie at TV icon na si Jaclyn Jose.
Kaya tuwing sasapit ang naturang petsa, siguradong magkakahalong emosyon ang mararamdaman ni Gabby – ang kaligayahan, kalungkutan at pangungulila.
“Mixed emotions” nga kung ilarawan ng Kapuso star kapag binabalikan niya ang selebrasyon ng kanyang kaarawan last Saturday at nang malaman nilang sumakabilang-buhay na si Jaclyn o Mary Jane Guck in real life.
Baka Bet Mo: Bianca Umali hindi na takot mamatay mula nang pumanaw ang ama’t ina: ‘Kasi makikita ko na sila ulit’
“Parang ano lang yan, e, every birthday ko, usually kapag…hindi siya eksaktong 12 pero mga 11:50 or minsan, 12:10, binabati ako ni Tita Jane.
“So it’s gonna be a memorable birthday for me, most definitely,” ang pahayag ni Gabby nang makapanayam ng press sa burol ni Jaclyn sa Arlington Memorial Chapels s Quezon City.
Patuloy pa niya, “Nakapag-celebrate ako sa bahay, kasi we found the news Sunday na. The next day na. Sa bahay lang naman kami with my family. So, kumain lang kami sa bahay. Simple lang naman akong mag-celebrate, e.
“Okay na ako na binabati ako. Yun na yung nagpapataba ng puso ko, and what keeps me going in life. Yung naaalala ka nila, kahit alam naman natin sa Viber, may reminder na birthday, di ba?
“Pero yung mga close mo na tao, yun ang mga inaabangan ko lagi. So, yeah, yun nga, isa sa mga inaabangan ko was yung kay Tita Jane,” sabi ni Gabby.
Nabanggit din ng aktor na okay na okay ang relasyon nila ni Andi at ng iba pa nilang kapatid sa ama (namayapang aktor na si Mark Gil).
Baka Bet Mo: Claudine dadalhin hanggang kamatayan ang sinabi ni Judy Ann noong lumipat siya sa GMA at iwan ang ABS-CBN
“Oo naman, which is good. Kasi, kami namang magkakapatid, we never take each other as half-siblings, e. Ano kami talaga, regardless kung sino ang mga nanay namin, basta, isa ang tatay namin.
“Hindi na namin kailangang isipin o pagtuunan pa ng pansin na iba ang mga nanay namin. No. Yan ang maganda, e,” sabi ni Gabby.
Super close rin daw sila ni Jaclyn kahit hindi niya ito tunay na ina, “I’m sure naman yung most na naka-witness when Andi was growing up, kasi di ba, nu’ng naghiwalay sila ni Daddy, away-bati, away-bati.
“Open book naman yun. Ako ako yung tumatakas kay Andi. Ako yung humihiram kay Andi kay Tita Jane kapag may family gathering ang mga Eigenmann.
“I would step up and represent na kapag hihiramin ko si Andi, and Tita Jane also… that’s why yung closeness namin ni Tita Jane goes back years.
“Para sa kanya, parang ako yung totoong tumayong, not that I was replacing my dad, no, na big brother.
“Kuya, e. Pinakakuya. So, isa sa mga una kong suweldo nu’ng nag-i-start pa lang ako sa showbiz, I took Andi to go shopping. I bought her toys.
“Yung mga simpleng… it might sound unfair to my other siblings pero hindi naman kasi. Of course I had Ira, I mean, same kami ng mom. Siyempre close talaga kami. We grew up together.
“Tapos si Timmy (Sid Lucero) and si Max (Eigenmann) nu’ng bata kami, we sleep du’n sa bahay nila nung sila pa ni Tita Bing, nu’ng daddy ko.
“So, close naman kaming lahat, but mas napapansin ng iba, parang hands on ako at overprotective kay Andi.
“Kasi yun nga, because… because ano, e… mas naging ano si Tita Jane kay Andi. Yun talaga ang makikita mong single mom talaga. I’m not saying that dad wasn’t supportive. But hindi sila okay, e, nu’ng mga panahon na yun.
“So I was the one shielding every negative ano na para hindi sila mag-away. Ako yung laging panangga nilang dalawa. Ako yung nasa, ‘Ako na ‘to, ako na’ng bahala dito.’
“And Tita Jane would proudly say it out loud. Na she was very expressive about it how much she loves me, and ganu’n din naman ako,” aniya pa.