Ted Failon kinuwestiyon ang 'ilong' ni SB19 Justin, fans umalma

Ted Failon kinuwestiyon ang ‘ilong’ ni SB19 Justin, fans umalma

Therese Arceo |March 05,2024
facebook
share this

Ted Failon kinuwestiyon ang ‘ilong’ ni SB19 Justin, fans umalma

Therese Arceo - March 05, 2024 - 04:39 PM

Ted Failon kinuwestiyon ang 'ilong' ni SB19 Justin, fans umalma

Ted Failon at SB19 Justin De Dios

KINUYOG ng mga fans at supporters ng SB19 ang broadcaster na si Ted Failon matapos ang kanyang pagpansin sa ilong ng PPop group member na si Justin de Dios.

Sa isang episode kasi ng “Ted Failon and DJ Chacha sa Radyo 5” nitong Lunes, March 4, natalakay ng kasamahan niya na si DJ Chacha ang trending solo performance ni Justin ng kanyang kantang “Surreal” sa “ASAP Natin ‘To”.

Habang ibinabalita ay sumingit naman si Ted kung Pilipino ba ang ibinabalita ni DJ Chacha.

Sagot ng DJ, “Oo, Pinoy yan. Ang pogi di ba? […] Cutie cutie. Gusto kitang makitang ganyan ang buhok… Ash gray blonde, ganon! Uso ‘yan!”

Muling saad ni Ted, “All original ‘yan, ‘no?”

Sinagot uli ni DJ Chacha na “all original” ang grupo.

Baka Bet Mo: SB19 Justin may dream role: Basta ang gusto ko mamamatay ako sa ending

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngunit ang huling sinab ni Ted ang tila nag-trigger sa madlang pipol lalo na sa mga fans at supporters ni Justin at ng grupo nitong SB19.

May nasabi kasi ito ukol sa physical appearance ng Pinoy boy group na ikinainis ng mga fans.

Hirit ni Ted, “Sana magkaroon din tayo ng grupo na hindi kataasan ang tangos ng ilong para talagang original.”

Kaya naman hindi pinalagpas ng A’tin, tawag sa mga tagahanga ng SB19 ang mga sinabi ng broadcaster kaya agad itong nag-trending sa X (dating Twitter).

Marami ang nag-call out kay Ted at binatikos ito sa mga komento niya ukol kina Justin at sa iba pa nitong kamiyembro.

“Fyi mr. ted failon and idc who tf you are! Justin’s visuals are all original, walang gawa, walang enhance.. siguro alaga at skin care meron na parte ng hygiene niya! ON NATIONAL TV KA PA TALAGA GUMANYAN? Magaling ka pala hahaha.. AYOKO NA MAKIPAG AWAY OR GUMAWA NG ISSUES BUT NOT MY JUSTIN,” saad ng isang netizen.

Giit nama ng isa, “all natural” daw ang kagwapuhan ni Justin.

“As a ‘journalist’, you should know the FACTS before you talk like that on national TV,” paglilinaw naman ng isa.

“Uhm manong medyo off po yung comment nyo? Sablay big time. Kelangan ba maging pango ang ilong para tawagin pinoy? Uhmmmm… try again sir Ted Failon,” hirit maman ng isa.

Marami rin ang nagde-demand na mag-public apology ang broadcaster sa mga sinabi nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Ted hinggil sa kinasasangkutan nitong isyu.

Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng mga kampong sangkot sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending