Faith iniyakan uli ang nakakulong na ama: Gusto ko pang yakapin

Faith umiyak uli dahil sa nakakulong na ama: Gusto ko pa siyang yakapin

Ervin Santiago |March 05,2024
facebook
share this

Faith umiyak uli dahil sa nakakulong na ama: Gusto ko pa siyang yakapin

Ervin Santiago - March 05, 2024 - 06:00 AM

Faith umiyak uli dahil sa nakakulong na ama: Gusto ko pa siyang yakapin

Faith Da Silva, Dennis Da Silva at Silas Da Silva

KUNG may isang wish ngayon ang Kapuso actress at TV host na si Faith Da Silva, yan ay para sa kanila ng amang si Dennis Da Silva.

Muling kumawala ang mga luha sa mata ng dalaga nang mapag-usapan sa guesting niya sa “Sarap Di Ba?” ang nakakulong niyang ama na dating miyembro ng “That’s Entertainment.”

Natanong kasi ang isa sa mga “Sang’gre” lead star tungkol sa pagkikita nila last year ng kanyang ama na dati ring aktor.

Kasama ni Faith ang kapatid na si Silas nang dalawin nila si Dennis sa Muntinlupa City Jail noong December, 2023.

Baka Bet Mo: Albert Martinez sa chikang may relasyon daw sila ni Faith da Silva: I believe it’s not that bad at all…

Tanong ng “Sarap ‘Di Ba?” host na si Carmina Villarroel kay Faith, “Kung bibigyan kita ng additional time to communicate or to spend time with your dad, ano pang gusto mo sabihin sa kanya?”

“Basta I wanted more talaga from it na… because syempre I have been longing for it ng almost two decades.

“Gusto ko maging thankful for that moment na you know it happened, I’m here, I’m with you, pero mas gusto ko pa siyang yakapin,” tugon ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Faith Da Silva (@faithdasilva_)


Sabi pa ni Faith, siya talaga ang nagpursigi na magkita sila ng kanyang tatay sa kulungan makalipas ang mahabang panahon.

“I have been planning for it naman na, medyo matagal tagal na. Of course, I had to take my time to make sure na sigurado na talaga ako na kapag nagkita kami, maluwag, wala akong negative emotions towards him. Walang ganu’n,” kuwento ni Faith.

Baka Bet Mo: Faith da Silva desidido nang lumaban sa beauty pageant; umaming wala pa ring dyowa

Sabi pa ng aktres, may mga naiisip siyang sabihin at gawin sa pagkikita nila ng ama pero hindi ito nangyari dahil nga naging emosyonal na siya nang yakapin si Dennis.

“Kumbaga parang dini-direct ko ‘yung sarili ko, sa utak ko, sa kung ano’ng gusto kong mangyari. Pero nu’ng nandoon na ako, it felt so different.

“Parang it was meant to happen talaga, na feeling ko bata ako, feeling ko talaga parang bata ako na Faith na longing for him.

“And finally when I was able to hug him, doon ako naiyak talaga, doon ako naging emotional kasi parang siyang puzzle na saktong-sakto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Binless talaga ako ni God sa tamang panahon. Siguro kasi kung pinaaga ko rin, baka mayroon pa akong questions sa kanya na hindi makakatulong sa pagpapadi-deepen ng relationship naming dalawa,” ang lahad pa ni Faith.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending