'StarStruck 6' Avenger Jay Arcilla ipina-barangay, pasaway kasi

‘StarStruck 6’ Avenger Jay Arcilla ipina-barangay, umaming pasaway

Ervin Santiago |March 05,2024
facebook
share this

‘StarStruck 6’ Avenger Jay Arcilla ipina-barangay, umaming pasaway

Ervin Santiago - March 05, 2024 - 06:20 AM

'StarStruck 6' Avenger Jay Arcilla ipina-barangay, umaming pasaway

Jay Arcilla

NAGING pasaway at sakit din ng ulo ng kanyang mga magulang ang Kapuso actor na si Jay Arcilla.

Knows n’yo ba na naipa-barangay pa siya noon nang masangkot sa isang trouble ng mga kabataan sa kanilang lugar?

Ayon kay Jay, talagang takaw-gulo raw siya noon kaya palaging namomroblema sa kanya ang kanyang mga parents.

Sa guesting ng binata sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” natanong nga ang isa sa cast members ng GMA  afternoon series na “Makiling” ang tungkol sa mga kinasangkutan niyang trouble.

Baka Bet Mo: StarStruck Avenger Abdul Raman nanghihingi ng tulong para sa na-stroke na ina: I am desperate…

“Nu’ng kabataan ko Tito Boy napasama ako sa trouble, mga kabataan ganu’n. Pero di naman nalaman ng parents ko ‘yun that time. Dahil sa kakulitan ko  nu’ng bata pa ako,” pag-amin ni Jay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jay Arcilla (@officialjayarcilla)


Nang ma-realize niya na nagiging sakit na siya sa ulo siya ng kanyang mga magulang ay talagang umiwas na siya sa gulo at itinigil ang pagiging pasaway.

“Natutunan ko nu’n na walang maitutulong sa sarili ko kung doon ako lalaki sa mga gano’ng gawain.

“Talagang that time parang naisip ko sakit lang ng ulo ang nabibigay ko sa magulang ko,” pagbabahagi pa ng aktor.

Baka Bet Mo: Ate Vi umaming naging pasaway ding artista; may favorite na ‘excuse’ kapag ayaw mag-shooting

Samantala, ni-reveal din ni Jay na nakaranas din siya ng mga rejection bago pa siya nabigyan ng mga projects sa GMA 7.

“Nu’ng nag-audition ako sa isang role na akala ko ako na ‘yung makukuha pero biglang nagpalit. Pero ano naman at least nagamit ko ‘yun as motivation na pagbutihin pa,” sey ni Jay.

Nag-start ang showbiz career ng binata nang maging bahagi siya ng original reality talent search ng GMA na “StarStruck Season 6.”

Napapansin na rin ngayon si Jay sa hit GMA Afternoon Prime series na “Makiling” bilang isa sa mga PBI (Philippine Bureau of Investigation) agents na kasamahan ng karakter ni Thea Tolentino na gumaganap naman bilang Rose.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bida sa pinag-uusapang serye sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending