Character actor nahuli ng sugar mommy, pinalayas sa bahay

Character actor nahuli ng sugar mommy, pinalayas sa bahay

Reggee Bonoan |March 02,2024
facebook
share this

Character actor nahuli ng sugar mommy, pinalayas sa bahay

Reggee Bonoan - March 02, 2024 - 02:40 PM

Character actor nahuli ng sugar mommy, pinalayas sa bahay

TRULILI kaya na dahil sa kawalan ng regular na kita at maraming obligasyon ay pumatol na ang character actor na makipag-date sa matrona o may mga edad ng babae na naghahanap ng aliw sa buhay.

Palipat-lipat ng tirahan nu’ng una ang character actor dahil hindi niya nababayaran on time ang upa sa nirerentahang studio unit at dahil may regular na siyang ka-date na matrona ay pinatira siya sa isang paupahan nitong townhouse ng libre para anytime rin ay puwede siyang dalawin.

Ang saya-saya ng character actor na may pamilya na pero hindi siya nagbibigay ng sustento katwiran niya ay wala siyang trabaho. Pero ngayong may regular siyang allowance mula sa matrona at wala naming binabayarang bills at upa ay nag-aabot siya sa pamilya niya na hindi pa kasya sa pambayad ng bills kada buwan.

Napag-alaman din naming malaki ang allowance ng character actor mula sa matrona bukod pa sa mga lambing nitong pinabibiling mga gamit na mamahalin na okay lang sa huli dahil katwiran niya ay napapasaya naman siya.

Hanggang nagpaalam ang matron ana mangingibang bansa at kasama ang buong family dahil may okasyong ipagdiriwang.

Baka Bet Mo: Character actor nilayasan ang asawa’t mga anak, sumama sa bagong karelasyon

Kunwaring lungkut-lungkutan ang character actor dahil isang buwan silang hindi magkikita ng matrona pero nag-iwan naman na ng panggastos at lahat ng kakailanganin nito ay plantsado na.

Ang hindi alam ng character actor ay pinamamanmanan siya ng matrona dahil nag-hire ito ng taong susundan siya kung saan man siya magpunta with matching picture bilang ebidensya.

Ang malas ng character actor dahil nakunan siya ng larawang may ka-date na babae at sa unit ng babae siya naglalagi dahil hindi niya puwedeng dalhin sa townhouse na tinitirhan niya dahil sangkaterba ang CCTV.

Hindi lang pala iisang babae ang dine-date ng character actor kundi dalawa pa kaya napapailing ang taong sumusubaybay sa kanya na tiyak na hindi ito magugustuhan ng kanyang ‘ma’am.’

Saktong isang buwan ay dumating na ang matrona at waiting ang character actor hoping na maraming pasalubong sa kanya na ang isinalubong ay pinalalayas na siya sa townhouse at saka ibinato sa mukha niya ang mga larawang kuha na may iba siyang kasama, yes pina-print mismo ng taong sumubaybay sa kanya na muntikang makabuo ng isang album.

Sa kasalukuyan ay purdoy na naman si character actor at nakikitulog sa mga kaibigan na nakasama niya sa dati niyang trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga babaeng nakarelasyon ng aktor ay hindi naawa sa kanya dahil dusa ang ibinigay sa kanila at nagpapasalamat na nakalaya na sila.

Ang huling babaeng naka-relasyon ng aktor bukod sa matrona ay character actress din na may bago ng boyfriend at may regular na trabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending