Rod Marmol nanggigil, aktres nagpasulat ng script pero di nagbayad
HINDI napigilan ng writer-director na si Rod Marmol ang manggigil sa aktres na nagpagawa ng full-length script pagkatapos ay hindi nagbayad.
Sa kanyang X (dating Twitter) account ay ibinahagi niya ang kanyang naging experience ukol sa hindi pinangalanang aktres.
“Tigas ng mukha nitong actress na nagpasulat sa amin ng full-length script years ago habang nasa Korea kami at supposedly nagbabakasyon (na ang tagal namin pinag-ipunan) tapos hindi nagbayad kahit singkong duling kesyo hindi raw natuloy (her fault, not ours),” saad ni Rod.
Pagpapatuloy pa niya, “TAPOS biglang nangungumusta ngayon kesyo naalala raw niya yung isa pa naming concept from years ago HAHA bakit po??? ipapasulat mo ulit tapos di mo babayaran?? galing mo ma’am kurutin kita sa silicone eh.”
Umani naman ng samu’t saring komento ang post ni Direk Rod mula sa mga netizens na nanghuhula kung sino kaya ang aktres na kanyang tinutukoy.
Baka Bet Mo: Julie Anne game na game sa intimate scenes nila ni Rayver; confident na hindi siya lolokohin ng dyowa
Kaya naman nilinaw niya rin agad ang ilang detalye kaugnay ng tweet.
“Hi everyone, hindi po si TG ang tinutukoy ko. I don’t want to name the actress for multiple reasons:
“Nangako ako sa mentor ko na nagconnect sa akin w actress na patatawarin ko siya (pinatawad ko naman, di ko lang makalimutan, lalo pa’t biglang nagparamdam), panimula ni Direk Rod.
Chika pa niya, hindi na raw dapat pang pangalanan kung sino ito dahil wala itong name ngayon.
“Her network was supposed to launch her into ‘stardom’ with our movie script. Didn’t happen. Sucks for her. May she forever be a starlet,” sabi pa ni Direk Rod.
Aniya, nag-tweet siya ukol sa nararamdaman dahil ‘yun ang purpose ng X o Twitter.
Dagdag pa ni Direk Rod, “Nagulat din ako na bigla siyang nagparamdam after years AS IF she did not hurt me, my career, my bank account.
“‘Yung supposedly 1-week naming Korea vacation, 95% of the time ay nasa coffee shops sa Seoul lang kami kasi nga niratrat namin na tapusin yung script.
“Todo follow up din siya that time kasi urgent daw ang project kaya inilaban talaga namin. Then pagka-submit, biglang wala na paramdam.”
Matapos raw ang ilang linggo ay nalaman na lang ni Direk Rod na hindi na pala tuloy ang project at hindi na rin sila kinausap kung paano ang bayad sa kanila.
Pagbabahagi pa ni Direk Rod, “I cannot name her kasi I would have to name all the other people/companies who did the same to me. I don’t want to normalize this, believe me.
“I know how it feels to not be able to eat/pay rent/be in debt because someone did not pay me for a script I poured my heart, soul, months into. Alam ko yun. But I cannot afford to burn important bridges right now kasi hindi pa naman ako nakakarating sa stable na karera.”
Kapag raw mayaman na si Direk Rod ay papangalan niya raw lahat ng mga gumawa nito sa kanya.
“Ang pwede ko lang gawin ngayon is to warn others that people like her exist, marami sila sa industriyang ito, and the only protection is to demand a downpayment agad-agad before writing anything. Especially when you’re working w someone you don’t know.
“Also, alam naman ng mga writers around me kung sino ito so duda ako na makaulit pa siya. Extremely unlikely. If she does, ibang usapan na yun. Dudulog na talaga tayo sa Face to Face, or Tulfo, o kung saan,” sey pa ni Direk Rod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.